Friday , December 27 2024

Museo Pambata casino ‘err’ Rizal park hotel ganansiya para kanino?!

SI Gat Jose Rizal, tinindigan ng fotobam sa monumento, ngayon naman ay ipinangalan sa casino.

Ay kasawiang tunay sa doktor na Pambansang Bayani ng bayan.

Hindi natin alam kung nakatutuwa o nakaiinis ang paggamit sa pangalan ni Gat Jose Rizal sa isang hotel na dating Army Navy Club.

Binuhay umano ang Army Navy Club (katabi ng Museo Pambata) at ginawang Rizal Park Hotel…

Ipinangalan pa kay Rizal pero sa totoo lang, isa palang casino. Sino ba naman ang mamumuhunan nang hindi tiyak kung kikita o dadayuhin?

Hindi ba’t inamin mismo ni Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) chairperson Andrea “Didi” Domingo na wala na raw siyang magagawa dahil naaprubahan ito noong nakaraan pang administrasyon?

Naman, Madam Didi?!

Parang hindi naman kami sanay na naririnig sa iyo ang ganyang mga rason.

Noong araw ay hinangaan ka sa Bureau of Immigration (BI) dahil kaya mong baliin kahit utos ng hari kapag alam mong labag sa tama.E bakit iba ang katuwiran ninyo ngayon?

Inaamin ba ninyo, Madam Didi na parang inutil na kayo?!

Arayku!

Ano kaya ang masasabi ng mga nabubuhay pang National Artists lalo ni National Commission for Culture and the Arts (NCCA) Chairman Virgilio “Rio Alma” Almario na ang “Rizal Park” ay ipinangalan sa isang casino?

Ito ba ay magiging mainit na diskusyon lang sa pamomolitika gaya ng nangyari sa ‘pambansang fotobam’ pero nanaig pa rin na ituloy ang konstruksiyon ng gusali?

Rizal Park Hotel & Casino?

Tsk tsk tsk…

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *