Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Christian Bables, excited na kinakabahan sa tatampukang MMK episode

IPINAHAYAG ni Christian Bables na magkahalong excitement at kaba ang kanyang nararamdaman sa tatampukang episode ng Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado, August 12.

“Saturday na po #Excited at #SobrangKinakabahn.” Saad ni Christian sa kanyang Facebook account.

“Eto po ang unang-unang MMK na pagbibidahan ko bilang si Ben Hernandez, kaya sana ay abangan po ninyo,” wika niya sa aming chat sa FB.

Mula sa tagumpay ng pelikulang Finally Found Someone, mapapanood ang 40th Gawad Urian Best Supporting Actor na si Christian sa MMK. Gagampanan niya ang kuwento ng buhay ni Ben na kapatid ng aktres na si Princess Punzalan.

Namulat si Ben (Christian) sa isang buhay na magulo at puno ng panghuhusga dala na rin ng mundong ginagalawan ng kanyang inang si Helen Vela (Gloria Diaz) at kapatid na si Princess Punzalan (Ritz Azul). Dahil nasa kanila ang mga mata ng publiko, hindi naiwasang makatanggap siya ng kaliwa’t kanang pangungutya tungkol sa kanyang pisikal na itsura lalo na sa pagiging anak niya sa labas na naging sanhi ng pagkawala ng kanyang bilib sa sarili. Gayonman, naging sandigan ni Ben ang kanyang pamilya sa lahat ng mga pangarap at pagsubok sa buhay.

Ngunit tuluyang gumuho ang buhay ni Ben nang namatay ang kanyang ina. Sa labis na kalungkutan, tinalikuran niya ang mga kapatid. Sa pagpupumilit mamuhay mag-isa, napadpad naman siya sa pagtratrabaho sa isang gay bar bilang isang macho dancer. Sa panibagong landas na kanyang kinahantungan, nahanap kaya niya ang pagtanggap at atensiyon na kanyang inasam? Nagkaayos kaya sila ng kanyang mga kapatid?

Makakasama rito ni Christian sina Ingrid dela Paz, Micah Javier, Alex Castro, Angelo Ilagan, JB Agustin, Kyline Alcantara, Nathaniel Britt, at Toby Alejar. Ito’y sa direksiyon ni Raz dela Torre at sa panulat ni Shugo Praico.

Sa ngayon kabilang sa pelikula ni Christian ang Ghost Bride starring Kim Chiu, Bagtik ni Direk Chito Roño, at Recipe For Love ni Direk Joey Reyes. Sa dalawang huling nabanggit na pelikula ay bida na si Christian.

Tampok din si Christian sa Born Beautiful na mapapanood sa Cignal Entertainment. Ito’y isang mini-series ng The Idea First nina Perci Intalan at Jun Lana. Magsisimula ang kuwento pagkatapos mamatay ng character ni Paolo na si Trisha.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …