Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ahron Villena, masayang makatrabahong muli si Kathryn Bernardo

IPINAHAYAG ni Ahron Villena ang kasiyahan dahil muli niyang nakatrabaho si Kathryn Bernardo. Isa si Ahron sa bagong cast ng top rating TV series na La Luna Sangre na pinagbibidahan din ni Daniel Padilla.

Gumaganap dito si Ahron bilang isang bampira, ngunit ayaw pa niyang sabihin kung siya ay kakampi nina Kathryn at Daniel o kaaway ng kanilang grupo.

Saad ni Ahron, “Kasama na po ako sa La Luna Sangre. Ako po rito ay isang bampira pero dapat nilang malaman kung kakampi or kaaway ako rito. Hindi ko pa rin po alam kung gaano katagal iyong character ko, kasi marami rin pong nawala na, tapos nagpapasok lang sila ng bagong character kagaya po nitong sa akin.

“Noong Wednesday last, last week po ako nag-start ng taping at si Richard (Gutierrez) po ang nakasama ko at ibang bampira.”

Masasabi mo bang welcome news naman ang pagkakasali mo sa LLS for a change, dahil parang the past few days ay magkasunod na hindi maganda ang news sa iyo like ‘yung kay Cacai Bautista at nude photo na aksidenteng na-upload sa internet?

“Yup, masaya ako na nakasama ako sa La Luna Sangre. Siyempre, kasi primetime iyan e, tapos ay KathNiel pa. Kaya alam natin na talagang sinusubaybayan nang marami gabi-gabi.

“Basta thankful po ako, kasi my bago na akong show ulit. Kasi ang tagal ko rin nabakante, ang last guesting ko pa is sa Ang Probinsyano noong March. Tapos nag-MMK din ako. So, four months din akong naghintay bago dumating itong LLS. Kaya masaya ako na dumating itong bagong show at nakakatrabaho ko na sila.”

Nabanggit din niyang masaya siyang makatrabaho muli si Kathryn dahil matagal na mula nang huli silang nagkasama sa isang proyekto.

“Masaya ako na katrabaho ko ulit ngayon si Kathryn. Kasi iyong last kaming nagkasama, sa Way Back Home movie pa nila ni Julia (Montes). Kuya nila ako roon at nakatutuwa na kahit sikat na sikat na ngayon si Kathryn ay hindi siya nagbago hanggang ngayon,” esplika pa ng actor.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …