Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mother Lily nanggulat, nag-Despacito dance

GINULAT ni Mother Lily Monteverde ang mga invited entertainment press ng bago nitong pelikulang Woke Up Like This na ipalalabas sa mga sinehan sa August 23 nang lumabas ito na naka-hip hop outfit, naka-shades, at naka-wig at sumayaw ng Despacito with matching back up dancers.

Aliw na aliw ang mga entertainment press sa naging pasabog ni Mother Lily at ang husay-husay nitong sumayaw.

Tsika ni Mother Lily after nito sumayaw, ”Nagloka-lokahan lang ako, tinuruan nila akong sumayaw. Parang exercise ko na rin iyon, ‘di ba?”

Ang kuwento ng Woke Up Like This ay ukol sa nagising sina Vhong Navarro at Lovi Poe isang umaga na iba na ang kanilang gender. Naging babae si Vhong at naging lalaki naman si Lovi at doon na pumasok ang napakaraming conflicts and challenges.

Sa ganda nga ng trailer nito na umabot na yata sa 10 million views sa social media at sa pagsusuot ni Vhong ng Magic Kamison ni Mother Lily ay pihadong tatabo ito sa takilya.

MATABIL – John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …