Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marc Cubales, kabilang sa dalawang international movies!

IBANG level na talaga si Marc Cubales dahil hindi lang isa kundi dalawa ang pelikula niya ngayon. Plus, pang-international ang naturang pelikula, kaya malaking break ito sa kanyang acting career. Si Marc ay isang talented at masipag na international model, singer, producer ng mga show, businessman, at pilantropo. Mas naging aktibo ngayon si Marc sa showbiz dahil hinawakan siya ulit ng dating handler niya sa UK.

Saad ni Marc, “Iyong film, international at isasali sa festival early next year. At ang role ko young druglord na galing sa influential family ng Filipinas. ‘Yung title ng film hindi pa napa-finalize, pero alam ko baka The Syndicates.”

Dagdag niya sa kanyang unang movie, “Ano lang ba iyong role ko roon? Hindi naman ako lead doon, maliit lang naman, pero may role na rin naman kahit paano. Pero kay Sebastian Castro talaga iyong role, kaso ay hindi nila mahanap, kaya napunta sa akin. Kasi iyong sa production ay kilala ko rin kasi at ako nga ang pinahahanap nila sa gaganap sa nasabing role, hanggang sa akin na napunta iyong role.

“Tinatapos namin iyong sa Vietnam, hindi nga ako makauwi dahil laging napo-postpone iyong shooting doon. Tapos sabi sa akin, sakto na may casting iyong isang Hollywood movie sa Taipei. Naging ano naman, positive… Ang hinahanap nila ay artista na wala pang nagawang role talaga, may character training naman talaga. Pero more of Asian nga ‘yung hinahanap nila, dahil ganoon ang role sa movie na iyon.”

Nabanggit din ni Marc na magiging puspusan ang training niya para sa naturang Hollywood movie na kanyang gagawin. “Hollywood ‘yung production company, franchise ‘yung film kaya malaki saka laging may kasunod. ‘Pag natapos ‘yung casting, diretso na kami sa Hollywood para sa character training. Hollywood style talaga, pre-production pa lang, three months na aabutin. Tapos ang character training, sa Hollywood na mismo. After nga ng show sa Zirkoh, a-attend na ako sa character training kaya excited na ako. Sa Hollywood iyon, may mga training sa karate, boxing… at ‘yung katawan pa hinahabol. May trainer na ako sa boxing dito, magte-training na muna ako rito. Pati diet ko ay aasikasohin nila.

“Hindi ko nga ine-expect ito, akala ko itong Vietnam movie ay huling labas ko na sa pelikula. Nagulat ako sa casting doon, pagdating ko sa Taipei ay puro Asian ang nandoon, lima kami. Ang advantage ko lang, Asian ako na ang accent ko ay UK.

“Kaya itong gagawin kong bagong international movie, kailangan talaga ay seryosohin at paghandaan ko. Kasi, malay mo, hindi ba?”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …