Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Christine Feliciano, gustong makapareha si Paul Salas!

SI Kapamilya teen actor Paul Salas ang gustong maging ka-loveteam ng dance princess na si Christine Feliciano kapag nabigyan siya ng pagkakataon na magkaroon ng teleserye o pelikula.

Ani Christine, ”Si Paul Salas po, kasi noong nag-Oragon po siya noong bata pa siya, sobrang crush ko na po siya.,

“Kaso baka awayin po ako ni Barbie (PBB Teens) ha ha ha.

“Hindi ko pa po siya nakikita, gustong-gusto ko siyang makita at makatrabaho.

“Napanood ko siya sa ‘My Home’, tapos noong bata pa siya ‘yung ‘Kung Fu Kids’.

“’Yung pinsan ko (Angelica Feliciano ) nakatrabaho na niya si Paul.

“Sa babae po rati ko pa po kasing idol si Maja (Salvador), kasi sumasayaw din and magaling umarte.

“Si Sarah okey din po, kasi magaling din siya kumanta, sumayaw, at umarte.

“Nagustuhan ko si Maja noong first time ko siyang napanood na sumayaw sa ‘ASAP’ ang galing niya.”

Handa na rin si Christine sa intriga, ”Opo rati sinabihan na rin ako noong nag-start pa lang ako mag-modelling. ‘Okey lang ‘yan basta gawin mo ‘yung best mo, hindi naman lahat mapi-please mo’.”

At bilang paghahanda nga sa pagsabak sa acting ay nag-undergo siya ng acting workshop sa Light of Life ni Anne Villegas.

MATABIL – John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …