WALA na ang bull cap at nakasuot na ng black beret ang mga traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang mabago ang kanilang imahe.
Ayon sa MMDA, matagal nang plano ang pagpapalit sa uniporme ng mga enforcer partikular ang head gear.
Paliwanag ni Director Roy Taguinod ng Traffic Discipline Office ng MMDA, makikita sa bagong uniporme ng MMDA na kagalang-galang na sila at dapat sundin.
“Speaks of authority. Nakikita nila na ‘uy kagalang-galang ito,’ So from there, nakikita mo pa lang ang enforcer na nakatayo riyan, siyempre kailangan, sumunod tayo,” ani Taguinod
Habang ayon sa mga enforcer, nararamdaman nila na matikas at tigasin na ang da-ting nila ngayon habang ginagabayan ang mga motorista sa tamang babaan at saka-yan, lalo sa EDSA.
Ngunit napansin na tila kinopya ang beret ng Scout Rangers, Marines, at Special Action Forces.
Dating Scout Ranger ang kasalukuyang hepe ng MMDA na si Danny Lim at siya ang naging inspirasyon sa pagbabago ng sombrero.
Depensa ni Taguinod, iba ang patches sa beret ng MMDA bagaman may pagkakatulad ang kulay.
Para sa ilang motorista, hindi ang imahe ang dapat unahin ng MMDA kundi ang paraan ng pagsasaayos ng trapiko.