HINILING ni Solicitor General Jose Calida sa ilang korte na iutos ang muling pagbabalik sa piitan sa mga consultant ng rebeldeng komunista, makaraan ihinto ang pormal na usapang pangkapayapaan, ayon sa ulat ng kanyang tanggapan nitong Biyernes.
Ang mga consultant ng National Democratic Front (NDF) na pinagkalooban ng condtional release “should be recommitted and their respective bonds should likewise be cancelled,” ayon sa tanggapan ni Calida.
Ipinunto ang Supreme Court resolutions, sinabi ni Calida, “One of the conditions provide that once the peace negotiations are terminated, their bonds are deemed automatically cancelled.”
Dalawampu’t isa ang pinagkalooban ng pansamantalang kalayaan para makilahok sa usapang pangkapayapaan.
2 bomb maker ng NPA
timbog sa Bukidnon
QUEZON, Bukidnon – Arestado ang dalawang hinihinalang tagagawa ng bomba ng New People’s Army makaraan maka-enkuwentro ang mga sundalo at pulis sa Purok 15, Kiburiao, nitong Miyerkoles.
Agad ikinulong ang magkapatid na sina Ruel at Ramil Cololot, kilala sa lugar bilang mga miyembro ng NPA, na batikan sa paggawa ng bomba.
Nakuha mula sa mga suspek ang mga kable, soldering iron, mga transistor radio, at iba pang mga materyales na posibleng gamitin sa paggawa ng mga pampasabog.