Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alfred Vargas, thankful sa Ang Guro Kong ‘Di Marunong Magbasa

NAPAKA-POWERFUL ng mensahe ng pelikulang Ang Guro Kong ‘Di Marunong Magbasa. Ito ang saad ni Congressman Alfred Vargas na siyang bida sa pelikulang ito na entry sa darating na Cinemalaya Film festival na magaganap sa August 4-13.

Ito’y magkakaroon ng nationwide commercial release sa September 20.

“Very powerful iyong mo-vie and one of the strengths of this movie is that malinaw na malinaw iyong message. Actually, usually ‘yung mga movie ang ganda-ganda, pero at the end of the film ay mapapatanong ka minsan e, ‘Ang ganda ng pelikula, pero, ano ang ibig sabihin ng movie?’

“Dito in fairness to Direk Perry, malinaw na malinaw ang mensahe. I know after the mo-vie, mayroong powerful na emotions kayong mararamdaman. Iyon, I guarantee,” saad ni Alfred.

Ang pelikula na pinamahalaan at isinulat ni Direk Perry Escaño ay ukol sa pagpapahalaga sa edukasyon. Si Aaquil (Alfred) ay isang magsasaka sa liblib na lugar na napilitang maging guro sa mga bata, kahit na siya ay isang no-read no write dahil hindi man lang nakatuntong kahit Grade-1.

Ngunit, bukod sa kahirapan, makikita rin dito na sagwil sa edukasyong minimithi ng mga kabataan ang peace and order situation at korupsiyon sa pa-mahalaan. Kaya ang iba sa kanila ay naging child warrior, humawak ng baril at pumatay ng kapwa, kahit sila ay mga bata pa lamang.

Saad ni Alfred, “Ang purpose ng pelikulang ito ay to advocate, to inform… Naalala ko ang sabi sa akin ng nanay ko na, ‘Huwag kang matatakot at huwag kang mahihiyang gumawa nang tama.’ Ibang-iba ‘yung satisfaction saka fulfillment ko sa movies, so ako, thank you Lord.”

Nang natanong kung plano ba niyang tumakbo sa higher position, ito ang tugon niya, “Actually, this is enough na rin for me, siguro ‘pag matapos ko ‘yung three terms ko, magbabalik showbiz na ako, feeling ko naman nag-make rin na ako ng difference. Siguro kapag sa tingin ko ay sapat na ‘yung nagawa ko, tingin ko babalik na lang ako sa showbiz. Para at least ‘di ba… sana balang araw maging Eddie Garcia ako ‘di ba? Iyong tumanda ako bilang artista, kasi passion natin e.”

Tampok din sa pelikula sina Mon Confiado, James Blanco, Miggs Cuaderno, Marc Justine Alvarez, Lou Veloso, Micko Laurente, Kiko Matos, Loren Burgos, Paul Sy, at iba pa.

 

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …