PINAYOHAN ng Department of Health ang mga Filipino na mahilig sa manok na magdoble-ingat sa paghahanda ng chicken-based na ulam dahil sa kontamindo ng isang bacteria ang mga karneng manok na ibinebenta sa ilang palengke sa National Capital Region.
Sinabi ng DoH, ayon sa pag-aaral ng University of the Philippine-Institute of Biology, natuklasan ang tinatawag na “campy-lobacter” bacteria na umaatake sa 80 porsiyento (o walo sa 10) ng mga manok na ibinebenta sa ilang pamilihan sa Kamaynilaan.
Ngunit inilinaw ng DoH, walang malubhang epekto ang bacteria sa tao at hindi ito nakamamatay.
Ngunit maaari anila itong maging sanhi ng pananakit ng tiyan at diarrhea kapag nakapasok sa katawan ng tao.
Ayon sa ulat, hindi pa matukoy kung saan nakukuha ng mga manok ang nasabing bacteria.
Payo ng mga eksperto, linisin at lutuing mabuti ang mga karne ng manok upang mapuksa ang bacteria.