Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ysabel Ortega, sobrang thankful sa ginagawang projects

IPINAHAYAG ni Ysabel Ortega ang labis na pasasalamat sa mga project na ginagawa niya ngayon. Dalawa ang TV show ngayon ng magandang alaga ni katotong Ogie Diaz. Kabilang dito ang Funny Ka Pare Ko at ang drama series na Pusong Ligaw na tinatampukan nina Sofia Andres at Diego Loyzaga.

Gaano ka kasaya na dala-dalawa ang show mo ngayon?

Sagot ni Ysabel, “Sobrang saya po, actually I love the contrast between the two shows that I am currently in. Lalo na po na dahil sa mga kasama ko po in each show, marami po akong mga natututuhan from them na makakatulong po sa growth ko bilang actress.

“Sobrang nag-e-enjoy po ako and I’m very grateful for all of the blessings and projects that I have right now. Abangan n’yo rin po ang labas ng music video ng single ni Tony Labrusca that we shot a few weeks back.”

Sakaling bigyan ka ng love team, sino ang gusto mo? “I’m open naman po to working with anyone that I will be given the opportunity to work with.”

Nabanggit din ni Ysabel na dapat daw abangan ang character niya sa Pusong Ligaw. “Abangan n’yo po kung ano and depth ng role ko sir sa Pusong Ligaw, because there will be a twist na will be revealed soon. Ako po roon si Charlie, anak po ako ng mayor ng town na magpapagawa po ng gown kay Vida (Sofia). Abangan n’yo po kung ano ‘yung magiging impact ni Charlie sa story po.”

Although ayaw niyang i-reveal ang twist ng character niya rito, sinabi ni Ysabel na ito ang pinaka-challenging na role niya so far. “Yes po, it will be my first time portraying this kind of character and it’s much more challenging po than my other roles. Exciting po ‘yung twist niya and it will be revealed po later on in the story,” masayang saad niya.

Ano’ng klaseng katrabaho sina Sofia and Diego?

Saad ng anak nina ex-Sen. Lito Lapid at ng singer/actress na si Michelle Ortega, “I’m happy I was given the chance to work with not only Sofia and Diego, but all of the actors sa Pusong Ligaw. Lahat po sila ay sobrang welcoming and very talented and professional when it comes to their craft.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …