Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Scam sa imburnal idiniin ng Sandigan

TULUYAN nang ibinasura ng Sandiganbayan ang inihaing mosyon ni dating Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri na ipawalang-saysay ang kanyang kasong katiwalian sa drainage scam.

Dahil dito, madidiin at ipagpapatuloy ang kasong kriminal laban kay Recom at dalawa pang dating opisyal ng Caloocan City dahil sa drainage scam.

Ito ang ika-walong (8) kaso ng katiwalian ni Recom na dinidinig sa Sandigan.

Mayroon pang mahigit animnapung (60) kaso si Recom na inire-review ng Ombudsman bago iakyat sa Sandiganbayan.

Base sa 15-pahinang desisyon ng anti-graft court, ibinasura ang mosyon ni Recom dahil sa kawalan ng merito.

Sinabi ng korte, ang motion to quash information ay inihahain kung ang reklamo na nakasaad ay hindi kabuuan ng krimen gayondin kung hindi sapat ang katotohanan na nakalagay sa information.

Sa kaso nina Echiverri, sinabi ng anti-graft court na kompleto ang kinakailangang katotohanan sa impormasyon bukod pa, ang reklamo laban sa kanila ay ang kabuuan ng krimen.

“The other issues raised by the accused… are matters of defense which are better threshed out in a full blown trial on the merits,” saad ng desisyon.

Ang kaso ay nag-ugat sa umano’y maanomalyang pagpapagawa ng Saplungan St., drainage system noong 2011 na nagkakahalaga ng P1.9 milyon.

Ang kontrata ay nakuha ng Golden 3T Construction.

Hindi umano dumaan sa Sangguniang Panglusod ang proyekto. Ang dating alkalde ng Caloocan City at ang kanyang mga kapwa akusado na sina Edna Centeno at Jesusa Garcia ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act na may kaugnayan sa maanomalyang P1.96 milyong drainage project.

May kinakaharap din na kaso si Echiverri sa Second Division kaugnay ng kontrata na pinasok para sa pagpapagawa ng Movale St., drainage system sa EV & V Construction.

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …