Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Michelle Takahashi bilib kay Emma Cordero, bagay na Queen Voice of an Angel Universe 2017

SI Michelle Takahashi ang isa sa magiging representative ng Filipinas sa Queen and Mister Voice of an Angel Universe 2017. Inusisa namin siya kung paano napasali sa beauty pageant na itinatag ng 2016 Woman of The Universe na si Ms. Emma Cordero?

Sagot niya, “Actually, ‘di ko talaga expected. I met Ms. Cordero when if I’m not mistaken, I was 8-9-10 years of aged through my father Mr. Rene V. Reyes, who happens to be the manager of Ms. Gloria Papin, elder sister of Ms. Imelda Papin.

“My dad used to conduct different shows sa Manila and out of town shows and Ms. Emma was one of her guest performers during those times. When I’d joined charity pageant this year in Yokusoku, Japan under Mr. Joseph Salsedo, Ms. Emma was also one of the participants and I’d recognized her right away that pushes me to embrace her and remind her of my dad. She was very humble and she gave me easily her account so we can keep in touch together.

“So, iyan na po ang summarized kung paano ako nakasama sa magandang layunin pong ito ni Ms. Cordero.”

Ano ang preparations mo para rito? Nagda-diet ka ba, nagpa-practice rumampa or lumakad, etc? “Just take everything calm,” matipid na sagot ni Ms. Michelle.

Masasabi n’yo ba na kapuri-puri ang advocacy ni Ms. Cordero? ”Yes, dahil nakadaragdag ng kalinisan sa puso ang mapabilang ka sa mga ganitong parangal ng kahit sino mang tao, gaya ni Ms. Emma. Isang malaking tulong para mapalaganap pa ng mga gaya namin ang kanyang nasimulan ngayon.”

Inusisa rin namin siya sa mga ginagawang charity works. “I am also doing my own charity works eveytime na umuuwi po ako sa ating bansa. Lagi po akong nagpupunta sa lugar gaya ng Payatas, Pier sa Baseco, sa Quirino, sa Quezon City, marami-rami na po akong naikutan para mamigay po ng mga bigas. Next ay sa orphanage naman po.”

Ano ang expectations niya sa pagsali sa beauty contest na ito? “Napakagandang tanong iyan, one big tradegy that happened to me noong year 2013. Marunong talaga ang Diyos maglugar sa mga tao na gaya ko na nakaranas nang malaking pagsusugal sa isang tao na hindi ko akalain, buhay ko at ng mga anak ko ang nailagay ko na sa malaking kapahamakan.

“So, my expectations for this contest is to gain more kindness… kung salbahe siguro po ako, hindi ko po siguro maise-share sa karamihan ngayon ang isang karanasan ng isang babae o ina na nagmahal at nagawang isugal ang lahat-lahat sa kanya ngayon. I’m very thankful to our Father in heaven, kasi daig ko pa ngayon ang nakakakita nang isang malaking milagro sa buhay ko.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …