INIHAYAG ni Finance Secretary Sonny Dominguez, nananatili ang kompiyansa ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Customs chief Nicanor Faeldon sa kabila ng P6.4 bilyong ilegal na droga mula sa China, na nakalusot sa bansa.
Kinompirma ni Dominguez na nag-usap sina Duterte at Pangulong Duterte nitong Martes ng hapon.
“The Chief Executive has expressed his full confidence in Commissioner Faeldon and told him to focus on serving the country,” ayon kay Dominguez.
Nitong Martes, ipinatawag ng Pangulo si Faeldon sa Palasyo makaraan makalusot ang printing machines na may naka-tagong 600 kilo ng shabu, sa green Lane ng BoC, na may mas maluwag na security checks kompara sa red at yellow lanes.
Sa pamamagitan ng impormasyon mula sa Beijing, natagpuan ng mga awtoridad ang nasabing drug shipment sa isang warehouse sa Valenzuela City.
Kasalukuyang iniimbestigahan ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang nasabing insidente.
Binatikos ng mga mambabatas ang Bureau of Customs, ikinokonsi-derang isa sa pinaka-corrupt na mga ahensiya ng gobyerno, dahil sa paglusot ng nasabing ilegal shipment sa bansa.