Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Richard hands on mayor, mabilis pang umaksiyon

MAY isa kaming kakilala na nagsabi sa amin na hinangaan niya bilang isang actor si Richard Gomez, pero mas lalo siyang humanga noong maging Mayor iyon ng Ormoc. Kasi napanood niya sa TV iyong isang karaniwang mamamayan na nagrereklamo sa isang mabahong poultry, na matagal na nilang reklamo pero walang mangyari dahil ang may-ari niyon ay nasa kapangyarihan din noong araw.

Mabilis ang naging aksiyon ni Mayor Goma na nagsabing iuutos niya ang mabilis na inspeksiyon ng City Hall sa mga bagay na iyon at kung talagang may mga paglabag sa batas kaugnay ng kalikasan ay ipasasara niya ang poultry. Wala siyang pakialam kung sino man ang may-ari niyan, basta may paglabag sa batas na kailangan niyang ipatupad, masusunod ang batas.

Naalala nga naming madalas na sinasabi ni Goma, ”kahit kamag-anak ko pa basta may problema sa batas, kailangan masunod kung ano ang batas”.

Iyang si Goma kasi, hands on worker iyan eh. Kahit naman hindi pa siya mayor, natatandaan ba ninyo ang ginawa niya noong panahon ng Yolanda? Hindi lamang siya tumulong sa relief operations, nagkampanya pa siya at humingi ng tulong sa mga personal niyang kaibigan para mapalitan ang mga bangkang pangisda ng mga mangingisda sa kanilang lugar.

Kamakailan lang noong magkaroon ng malakas na lindol, nasa City Hall halos maghapon at magdamag si Mayor Goma at mabilis na nagsagawa ng relief and rescue operations. Ang kuwento nga niya ”tumawag lang ako sa bahay para mag-check. Noong sabihin ni Lucy na ok naman sila, rito na muna ako sa City Hall kahit na may mga crack din itong building”.

Mabilis din siyang nakipag-coordinate sa iba pang ahensiya ng gobyerno dahil matindi rin ang pinsala sa Ormoc. Pinakilos din agad niya ang mga personal niyang kaibigan para makapagbigay ng tulong sa mga residente ng Ormoc kahit na taga-Maynila pa sila. Kaya nga kahit nagkaroon ng landslide, maraming buildings at mga bahay ang nawasak, naging mabilis ang relief and rescue nila. Nakabantay kasi si Mayor eh. Kaya sila dinalaw agad ni Presidente Duterte at maging ang dating senador na si Bongbong Marcos dumating sa Ormoc at nagbigay ng tulong agad, kahit na may problema rin naman ang kanyang mga pinsan sa Tacloban.

Iba talaga ang bilis ng trabaho basta hands on ang mayor. Hindi kagaya ng iba na suspensiyon lang ng klase ng malakas na malakas na ang ulan hindi pa magawa agad.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …