Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panaginip mo, Interpret ko: Nasa bangka at nasa laot ang laging panaginip

Señor H.,

My itatanong lang po ako regarding sa panaginip ko. Lage po ako nanaginip ng tubig. Nasa dagat daw ako sakay ng bangka. Nasa laot ako. Lage po ganun panaginip ko, anu po ibig sabihin noon? Salamat po.

(09308445874)



To 09308445874,

Ang tubig sa bungang-tulog ay sagisag ng iyong unconscious at ng iyong emotional state of mind. Ang tubig ay living essence of the psyche at ang daloy ng life energy. Ito ay simbolo rin ng spirituality, knowledge, healing at refreshment.

Kung ang tubig ay calm at clear, ito ay nagsasaad na ikaw ay nasa maayos na spirituality. Nagpapakita rin ito ng serenity, peace of mind, at rejuvenation. Kung marumi ang tubig, nagpapakita ito na ikaw ay nagtatampisaw sa iyong mga negatibong emosyon.

Maaaring paalala rin ito sa iyo upang maglaan ng oras para sa sarili upang malinawan ang pag-iisip at matagpuan ang internal peace.

Alternatively, maaaring ito ay nagpapakita na ang iyong pag-iisip at desisyon ay unclear at clouded. Kapag nakarinig ng running-water sa iyong panaginip, ito ay may kaugnayan sa meditation, reflection at ng pagmumuni-muni sa thoughts at emotions.

Nagsasabi rin ito sa iyo na kailangan intindihin at harapin mo ang iyong emotions. Kailangan maging tama ang iyong galaw at desisyon.

Ang dagat naman na napanaginipan ay may kaugnayan sa iyong unconscious at sa iyong transition sa pagitan ng unconscious at ng conscious na kamalayan. Ito rin ay may kaugnayan sa iyong emosyon. Posibleng ito ay isang pahiwatig ukol sa mga bagay na dapat mong maintindihan at makita nang mas maayos at malinaw.

Maaari naman na ito ay pahiwatig sa pangangailangang i-reassure ang iyong sarili o magbigay ng reassurance sa iba. Ito ay nagbibigay din ng hope, new perspective at positive outlook sa buhay gaano man kahirap ang mga kasalukuyang suliranin na kinakaharap.

Ang panaginip mo rin ay may kaugnayan sa pagtahak mo sa hinahangad na mithiin at ang pag-usad mo sa pang-araw-araw na ginagawa.

Ang panaginip mo hinggil sa bangka ay may kaugnayan sa emotional balance, ikaw ay sumusulong sa pamamagitan ng iyong sariling lakas at determinasyon. Nagpapakita rin ito ng hard work at perseverance, pati na ng pagharap sa mga pagsubok at suliranin, at pagharap mo sa iyong damdamin at problema. Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

Araneta City

Christmas Happenings in Araneta City (Dec. 18 to 24, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …

BingoPlus SexBomb Girls FEAT

Get, get fun! BingoPlus celebrates SexBomb Girls’ reunion with mall show and studio visit

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, amped up the excitement with a fun-filled mall …

Tagaytay Midlands Golf Club President’s Cup BingoPlus FEAT

Tagaytay Midlands Golf Club hosts the Annual President’s Cup presented by BingoPlus

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, sponsored the annual President’s Cup, which celebrated the …