DAHIL ikinuwento ni AJ Muhlach sa pocket interview ng Double Barrel: Sige Iputok mo! na mapapanood sa Aug. 9 na rati siyang mataba ay biniro siya ng mga imbitadong press na may kasabihang kapag ang isang lalaki ay mataba, dyutay ang kargada. Mabilis naman itong pinabulaanan ng leading man ni Phoebe Walker.
Ani AJ, ”’Pag mataba? Mahaba ‘yung sa akin, hindi mataba, eh.”
Dagdag pa nito, ”Hindi, hindi naman. Kaya naman ‘tong sa akin. May panlaban naman.”
Very honest nga nitong tinuran na mas mahaba ang kanya kaysa mataba ”Mas ganoon (mahaba) siya, hindi siya ga-Ma-Ling (luncheon meat na de lata).
“Tama lang, proportioned lang sa akin. Ha! Ha! Ha!”
Game na game nga nitong ipinakita ang magandang hubog ng katawan nang mahiritan ng press na mag-topless at ipakita ang abs na labis na ikinatuwa ng mga invited press.
Ang sikreto nga ng kanyang magandang katawan ay diet, workout, dancing, at todo disiplina.
MATABIL – John Fontanilla