SINUSPENDI ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCB) si Monsignor Arnel Lagarejos, ang paring inaresto habang papasok sa isang motel sa Marikina City, kasama ang isang 13-anyos dalagita.
Si Lagarejos ay sinuspendi ng CBCP kasabay nang pagsisimula ng imbestigasyon laban sa pari.
Ayon sa ulat, si Archbishop Emeritus Oscar Cruz ang itinalagang manguna sa imbestigas-yon ng CBCP laban kay Lagarejos, ngayon ay nakapiit sa Marikina City jail, at nahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act.
Si Lagarejos ay inaresto kasama ang 16-anyos bugaw sa Marikina City nitong Biyernes.
Ayon sa pulisya, ang pari ay inaresto sa entrapment operation habang papasok sa motel kasama ng isang 13-anyos dalagita.
Isinagawa ang operasyon makaraan humi-ngi ng tulong sa pulisya ang ina ng dalagita.
Sinabi ni Cruz, kapag napatunayan sa na-sabing kaso si Lagarejos sa imbestigasyon ng CBCP, siya ay ipadadala sa Rome.
“Ang talagang parusa ng Simbahan, ang pagkapari mo, pagka-estadong pari mo ay aali-sin sa ‘yo,” ayon sa Obispo.
Sinabi ni Cruz, si Lagarejos ay may malinis na record sa Diocese of Antipolo at sa CBCP.
Gayonman, naniniwala siyang may ginawa na ring ganito si Lagarejos noon.