Tuesday , April 1 2025

3 sakay patay sa naglamay na utol ng OFW (Motorsiklo sinalpok ng SUV)

ALBAY – Tatlo ang patay makaraang sumalpok ang sports utility vehicle (SUV) sa motorsiklo sa bayan ng Malinao, nitong Sabado ng hapon.

Agad binawian ng buhay sa insidente ang driver ng motorsiklo na si Pedro Clet, 54; gayondin ang dalawang angkas niyang sina Josely Cuentas, 43; at Jose Cantor, 52.

Ayon sa mga awtoridad, ang insidente ay naganap sa Maharlika Highway, sakop ng Brgy. Cabunturan bandang 5:00 pm nang umano’y kainin ng SUV ang linya ng motorsiklo.

Sa lakas nang pagkakasalpok, tumilapon ang mga biktima at nagkaroon nang matitinding sugat sa ulo at iba pang parte ng katawan, dahilan nang agad na kamatayan ng mga biktima.



Lumabas sa imbestigasyon na walang helmet ang dalawang angkas sa motorsiklo. Ang driver na si Clet ay isang retiradong pulis sa probinsiya ng Albay.

Samantala, lumitaw sa pagsusuri ng pulisya, na nasa impluwensiya ng alak ang driver ng SUV na kinilalang si Jimmy Borlagdan, 53.

Aminado ang driver na nakainom siya at nakatulog habang nagmamaneho.

Giit niya, ilang araw na siyang walang tulog dahil sa pagbabantay sa lamay ng kapatid na naaksidente sa Saudi.

Humihingi si Borlagdan ng paumanhin sa naulila ng mga biktima. Galing sa isang palayan sa bayan ng Malinao ang mga biktima at pauwi sa kanila sa Tiwi nang mangyari ang insidente.


About hataw tabloid

Check Also

Andrew E SV Sam Verzosa

Andrew E ‘di nagpabayad; Sigaw ng Manileno SV Bagong Pag-asa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IBANG klase talagang mag-perform ang isang Andrew E. Kapag siya na ang nasa …

033125 Hataw Frontpage

Pagkatapos ng meryenda at sitserya  
‘TEAM GROCERY’ BISTADO SA KONTROBERSIYAL NA CONFIDENTIAL FUNDS NG VP

HATAW News Team MATAPOS ang mga pangalan at apelyidong kahawig ng coffee shop, sitserya, at …

033125 Hataw Frontpage

Resulta ng survey
85% NG KABATAAN APRUB NA PATALSIKIN SI VP SARA

MAYORYA ng college students ang naniniwala na dapat mapatalsik sa kanyang puwesto si Vice President …

Kondisyon ng food, shipbuilding industry workers, sinipat ng TRABAHO Partylist

Kondisyon ng food, shipbuilding industry workers, sinipat ng TRABAHO Partylist

SINIPAT ng TRABAHO Partylist sa Navotas City ang kondisyon ng mga nagtatrabaho sa mga latahan …

IPRA mas palalakasin ng FPJ Panday Bayanihan

IPRA mas palalakasin ng FPJ Panday Bayanihan

ISUSULONG ng FPJ Panday Bayanihan partylist ang ibayong pagpapalakas ng Indigenous Peoples Right Act (IPRA) …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *