ISABELA, Basilan – Tinatayang 1,000 pamilya ang nawalan ng tirahan makaraan ang malaking sunog na sumiklab sa isang residential area sa Malamawi Island, kahapon ng umaga.
Ang sunog na nagsimula dakong 10:00 am ay tumupok sa tinata-yang 200 kabahayan sa Brgy. Diki, ayon kay Fire Marshal Insp. Jasmine Tanog.
Nahirapan ang mga bombero at mga miyembro ng Philippine Coast Guard sa pag-apula sa sunog dahil ang seaside town ay walang sapat na fire truck.
Sa pagtutulungan ng mga residente at mga awtoridad, nakontrol ang sunog dakong hapon.
Kasalukuyang iniimbestigahan ng BFP ang posibleng sanhi ng sunog.