Sunday , December 29 2024

Cong. Yul Servo, kaliwa’t kanan ang ginagawang projects sa showbiz

MARAMING projects ngayon ang award winning actor na si Yul Servo. Kabilang dito ang Kiko Boksingero na isa sa entry sa Cinemalaya 2017. Ito’y mula sa pamamahala ni Direk Thop Nazereno at tampok din sina Noel Comia Jr., Yayo Aguila, at iba pa.

Ipinahayag ni Yul ang kagalakan sa pagbabalik sa Cinemalaya. “Happy ako dahil kahit paano, hindi tumitigil ‘yung mga kasama natin sa showbiz na magbigay ng tiwala sa atin bilang isang artista. Happy ako na hindi nila ako nakakalimutan, lalo na ang kumuha sa akin dito’y si ate Joann Bañaga, nakatrabaho ko siya sa Batang West Side at sa Rosario. Maganda talaga ‘yung samahan namin noong Batang West Side,” pahayag ni Yul na ngayon ay congressman ng 3rd District ng Maynila.

Dagdag niya, “Iyong last Cinemalaya ko ay ‘yung Brutus pa, matagal na iyon, Konsehal pa ako niyon e. Kaya Happy ako na nagbalik-Cinemalaya, kasi isa rin sa magandang festival ang Cinemalaya na pinupuntahan ng mga director, mga scriptwriter, na makapagpakita ng kanilang piece.

“Masuwerte naman ako na dumating itong Kiko Boksingero. Comedy-drama ito, ako ‘yung tatay ng bata na parang gustong magboksingero at ako naman, parang takot sa responsibilidad, isang happy go lucky, ganoon.”

Lead actor si Yul sa advocacy film na Touch of Destiny mula sa Good Samaritan Production. Ito’y sa pamamahala ni Direk Manny Espolong at kasama sa casts sina Patricia Javier, Duy Beck, Odette Khan, Cloyd Robinson, at iba pa. Magkakaroon ng premiere night ang Touch of Destiny sa SM North EDSA Cinema 8 sa August 18, 2017.

Mapapanood din si Yul sa mini-series na Tukhang mula Cignal Entertainment na tina-tampokan din nina James Blanco at Karel Marquez.

“Ito’y crime-drama na napapanahon ukol sa isyu ng war against drugs. Panigurado na mayroong aral na matututuhan ang manonood dito. Kasi ipapakita roon na ‘yung pinasok mo, kung paano mo lalabasan. Kaya sa tingin ko sa mga kababayan natin na naliligaw ng landas, once na mapanood ito ay may mga aral silang matututuhan dito,” ani Yul.

Ano ang role mo rito? Sagot niya, “Ako iyong hitman, ako iyong pumapatay sa mga hindi nagbaba-yad ng dro-ga.”

Nagsimula na ang back-to-back episode premiere ng Tukhang last July 22 sa Colours (Ch. 60 SD, Ch. 202 HD), Sari Sari (Ch. 3 SD), at Bloomberg TV Philippines (Ch. 8 SD, Ch. 250 HD) sa Cignal.

Incidentally, sa launching ng Cignal Entertainment sa EDSA Shangri-La, ipinahayag ng pangulo nito na si Ms. Jane Basas, ang hamon na gumawa ng mga bago, relevant, at matatalinong panoorin ‘di lamang sa small screen ng telebisyon kundi sa malala­king screen ng mga sinehan. Para magawa ito, ang Cignal Entertainment ay nakipagsanib-puwersa sa local content providers tulad ng Sari Sari Network, Unitel, Idea First, Content Cows, at Masque Valley Productions.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Sunshine Cruz Atong Ang

Sunshine lalong bumata at sumeksi, maligaya kay Atong Ang

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio FRESHNESS overload. Iba talaga kapag in love. Ito ang nakita …

Sue Ramirez Dominic Roque

Dom at Sue exclusively dating

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ABA’Y date movie na rin lang ang usapan, sure na sure …

Miles Ocampo Elijah Canlas

Balikang Elijah at Miles posible, nahuling naghahalikan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AT dahil kumalat na naman sa socmed ang “kissing scene” ng …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *