Monday , November 25 2024

Abe Pagtama, lumalagari sa Filipinas at Hollywood

MARAMING pinagkakaaba-lahan ngayon ang Fil-Am Hollywood actor na si Abe Pagtama. Bukod sa isa siyang sales executive ng Megaworld Corporation, busy siya bilang actor at sa pagiging isa sa founder at haligi ng Los Angeles Philippine International Film Festival (LAPIFF) na magdaraos ng kanilang 2nd awards season this year na gaganapin sa October 26-29.

Ipinahayag ni Sir Abe na masaya siya sa nangyayari sa kanyang career ngayon.

“I’m very happy because I’m doing a lot of commercials sa States and movies. Of course, busy ako sa LAPIFF. Kung itatanong mo ang relaxation ko, busy ako sa gardening, hahaha!” Masayang saad niya.

Bukod sa pagbibida sa Lolo Pepe na isang Indie Hollywood short film, bahagi rin siya ng pelikulang Stateside na pinagbibidahaan ni Mon Confiado at nakatakdang gawin ni Sir Abe ang Lumpia part-2 sa US. Kasali rin si Sir Abe sa pelikulang Broken Hallelujah ni Direk Roland Sanchez na tinatampukan nina Kyline Alcantara, Mon Confiado, Rob Sy, Jef Gaitan, Bani Baldisseri, at iba pa.

Ano ang masasabi niya kay Direk Roland, “Iyong mga subject niya, its about, alam mo naman siya, NBI agent siya, ‘yung mga imbestigasyon niya, mga ginagawa niya, so it’s very relevant socially ang ginagawa niya. I’m not sure, naka-apat na yata siya na movie, he’s very good. Madalian mga shoot niya, pero magaganda naman at ang movies na ginagawa niya, gustong-gusto ng mga film festival. Mabilis siyang magtrabaho at cool na cool si Direk Roland.”

Nabanggit din ni Sir Abe ang ukol sa partnership ng LAPIFF at ng FDCP headed by Chairperson Liza Diño-Se-guerra. “When, I started to actually work to make LAPIFF functional, I immediately contacted FDCP but at that time there was a change in admi-nistration, so I did not get a response from them, I do understand that. When Chair Liza was appointed as FDCP Chairperson, I immediately contacted her, to get the support of FDCP. After all, my main purpose to start LAPIFF is to promote Filipino diaspora movies, in the center of filmmaking in the world, Hollywood, California.

“Going back to FDCP, when I approach Madam Liza, she immediately sign the partnership with LAPIFF and FDCP, without cost to FDCP. We just partner up, for the love of Filipinos and the Philippine cinema. I hope our partnership, will continue.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *