Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Yayo Aguila, may kakaibang fulfillment sa indie films!

AMINADO si Yayo Aguila na kakaibang challenge para sa kanya ang paggawa ng indie films. Sa darating na Cinemalaya filmfest sa August 4-13, kasali si Yayo sa entry na pinamagatang Kiko Boksingero na tinatampukan din nina Noel Comia Jr., Yul Servo, at iba pa, mula sa pamamahala ni Direk Thop Nazareno.

Second time na niya sa Cine-malaya dahil last year ay may entry siyang short film na nanalo ng Best Direction and Special Jury Prize.

Nabanggit ni Yayo kung bakit gusto niyang gumagawa ng indie films kahit daw mas mababa ang talent fee rito. “Sobrang fulfilling sa akin ang indie… mas marami akong nagagawang kakaibang character, mas nae-explore ko ang sarili ko.

“Sa edad ko na ito, minsan hindi naman laging talent fee lang ang issue. Marami na akong nagawang indie na minahal ko dahil sa materyal at sa roles na nagampanan ko, na na-challenge talaga ako. Pati way ng independent films, mabilis, simple… mas ramdam ko ang substance,” saad ng aktres na unang nakilala sa classic na pelikulang Bagets noong 1984.

Nagkuwento pa siya ukol pelikula nilang ito. ”Sa Kiko Boksingero, ako ang yaya ni Kiko na nagpalaki sa kanya, na gu-mabay sa kanya sa journey niya to finding himself and his long lost tatay. Si Noel magaling na bata, mabilis mag-absorb ng ins-tructions, napaka-talented at mahal ko ‘yung batang ‘yun, napakabait!

“Si Direk Thop naman, ha-nga ako roon, bata pa pero ang dami nang accomplishments. Malalim siya, so ramdam ko ang lalim at dami ng creative juices niya. Mabait at magaan siyang kasama sa trabaho and he has made me discover a different side of me as an actress. Ha-nga ako sa millenials na gaya niya.”

Paano mo ide-describe ang career mo ngayon at ano pa ang gusto mong ma-achieve as an actress?

Wika ni Yano, “Sa ngayon I consider myself blessed dahil magagandang projects ang nagagawa ko. Siyempre pangarap ko rin ang mapansin at mabig-yan ng recognition kaya I’m doing my best… ‘di pa naman huli, alam ko. Naniniwala naman ako na at this age, may maa-accomplish pa ako as an actress. ‘Yung makagawa pa ng more characters sa mas marami pang projects and one day be recognized bilang mahusay sa lara-ngang ito. Iyon naman ang dream ng bawat actor, hindi ba?”

Si Yayo ay mapapanood din sa pelikulang Fan Girl, Fan Boy na tinatampukan nina Julian Trono & Ella Cruz at sa Finally Found Someone nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz na showing na ngayon, July 26.

 

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …