Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Atty. Jemina Sy, tuloy-tuloy sa paghataw ang showbiz career

TULOY-TULOY ang pag-hataw ng showbiz career ng lawyer-aktres na si Jemina Sy. Matapos mabigyan ng introducing role sa pelikulang Bubog ni Direk Arlyn dela Cruz, kaliwa’t kanan ang projects niya ngayon.

Kabilang dito ang tatlong pelikula tulad ng Recipe For Love na pinagbibidahan nina Christian Bables at Cora Waddell, directed by Joey Reyes, Immaculada, Pag-ibig Ng Isang Ina ni Direk Arlyn dela Cruz na tinatampukan naman nina Ara Mina, John Estrada, at Elizabeth Oropesa, atThe Barker ni Empoy Marquez mula sa pamamahala ng komedyanteng si Dennis Padilla.

Nag-e-enjoy ba siya sa kanyang career bilang aktres at hindi nagsisisi na pumasok sa showbiz? Nakangiting sagot niya, “Okay naman, I’m just enjoying it. Hindi naman ako nagsisisi sa pagpasok sa showbiz, kasi pa-ngarap ko ito talaga, e,” nakatawang saad niya

Pinuri rin ni Atty. Jemina sina Empoy at ang direktor ng The Barker na si Dennis. “Magaling siya, magaling na komed-yante si Empoy. Kasi sa itsura pa lang niya, nakatatawa na talaga. I think si Empoy is one of the rising comedians natin ngayon. Okay naman si Direk Dennis, magaling siyang director at very professional. Hindi siya mahigpit, oo naman, ka-vibes ko naman siya, close na kami ni Direk Dennis, e, hahaha!”

Nabanggit din niyang magkakaroon siya ng TV show na tipong MMK ni Ms. Charo Santos. “May upcoming show ako probably this August or September ito, isang legal show na ang title ay Legally Yours, Jemina. Radio-TV iyon, pero hindi ko pa sure kung ka-ilan ang start dahil medyo busy ako ngayon, pero nakadalawang tapings na kami, bale weekly ito. Parang Maalala Mo Kaya ito at Ipaglaban Mo.”

Paano attorney kung intrigahin ka at sabihing gaya-gaya ito sa Ipaglaban Mo? “No, it’s different. Kasi Ipaglaban Mo is based on actual cases, e. Actual case na nangyari na and then dinramatized nila. Tapos na ‘yun e, based on court rules already or court decisions.

“My program is hindi pa siya, wala pa siyang court case, advice pa lang kami. Parang nagtatanong pa lang ‘yung letter sender. So bale, iyong kanyang case, ida-dramatize natin iyan, then we will give advice,” nakangiting esplika ni Atty. Jemina na look-alike ni Angelica Panganiban.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …