Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vilma Santos

Vilma, ‘di nakaiwas sa maraming pagbati sa Kongreso

KAHIT pala sa Kongreso, marami ang bumabati kay Congresswoman Vilma Santos sa kanyang pananalo ng awards sa showbiz. Dalawa nga namang magkasunod iyon. Siya ang napiling best actress sa kauna-unahang The Eddys, tapos binigyan naman siya ng lifetime achievement award ng Manunuri. Ngayon bibigyan naman siya ng award ng PMPC dahil sa naging kontribusyon niya bilang artista sa movie writing profession.

Diyan pabor din naman kami, dahil sa totoo lang talagang nag-boom ang movie writing profession, at mula sa iilan ay dumami ang mga movie fan magazine noong panahon nina Vilma at Nora Aunor. Hindi natin maikakaila na iyong panahon nila ang masasabi ring golden years ng movie writing profession. Dahil dumami ang mga magazines at tabloids, dumami rin ang naging mga movie reporter. Noong malaunan, hindi naka-maintain ang mga magazine na iyon at isa-isang nawala hanggang sa wala nang natira. Iyong mga movie magazine ngayon puro mga bagong sulpot lang iyan.

Pero natawa nga kami dahil sinasabi ni Ate Vi, ang pinag-uusapan sa kongreso na on a joint session pa ay napaka-seryoso, iyong Martial Law sa Mindanao. Pero hindi pa rin napigilan ang mga taong lumalapit sa kanya at nagko-congratulate dahil best actress na naman siya.

Sabi nga niya, mahigit 20 taon na siyang naninirahan sa Batangas, at ang turing ng mga tao sa kanya ay talagang Batanguena na. Nakalimutan nang ang pamilya niya ay galing talaga sa Nueva Ecija. Siyam na taon rin siyang naging mayor ng Lipa. Siyam na taong gobernadora ng Batangas at ngayon isang taong congresswoman, pero ang pagkakakilala sa kanya ng higit na nakararami ay isa pa rin siyang aktres.

Ikinatutuwa naman iyon ni Ate Vi, dahil hindi naman niya maikakaila na ang movies ang talagang first love niya.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …