Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ms. Gloria Romero, dream come true na makatrabaho si Coco Martin

TUWANG-TUWA si Coco Martin na makakasama sa kanyang unang pagdidirehe at pagbibidahang pelikula, Ang Panday ang ilan sa mga itinuturing na iconic stars tulad nina Jaime Fabregas, Jonee Gamboa, at Ms. Gloria Romero.

Hindi nga maitanggi ni Coco ang excitement nang mapa-oo si Ms. Romero para makatrabaho. Matagal na rin kasing gustong makatrabaho ng magaling na actor ang isa sa iginagalang at tinitingalang aktres.

Maging ang veteran actress ay nagpahayag ng katuwaan at hindi makapaniwala na gusto siyang kunin ni Coco.

Aniya, “I was surprised. It’s a dream to be working with brilliant actors and he’s one of them.”

Wish ni Ms. Romero na hindi niya ma-dissapoint si Coco at iba pang kasamahan.

“Kompletos rekados,” naman kung ituring ni Fabregas ang Ang Panday na entry ng CCM Productions sa Metro Manila Film Festival 2017.

Hindi naman itinago ni Mr. Gamboa ang pagkabilib kay Coco. Nakatrabaho na niya ang actor sa Feng Shui II at doon pa lamang ay nakita na niya ang galing nito.

“Magaling ‘yung bata. Magaling umarte. Very talented. Very devoted to what he is doing and that’s very important,” sambit pa ng magaling ding actor.

Samantala, isang post ang nakita namin mula sa manager ni Coco na si Biboy Arboleda, ito ay ang ukol sa production meeting ng bumubuo ng Ang Panday. Iyon ay pinangunahan ng kanilang director na si Coco. Bagamat hindi namin naririnig ang sinasabi ng actor/director, kitang-kita ang mga instruction na ibinibigay niya sa mga kausap. Tila cool na cool ang actor sa mga ideang ibinabahagi niya sa kanyang grupo.

Tulad ng tinuran ni Coco noong makausap namin ito sa story conference ng Ang Panday, napakarami niyang idea na gustong ilahad para sa ikagaganda ng pelikula.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …