Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Blanktape, launching ng bagong single na Gusto Mo Loadan Kita sa Bar K.O.

MAGKAKAROON ng launching ng bagong single ang rapper/composer na si Blanktape na pinamagatang Gusto Mo Loadan Kita. Ito ay gaganapin sa July 28 sa Bar K.O. located sa #20 Regalado Ave. Extension, West Fairview QC (near FEU hospital) at makakasama niya rito ang Saucy Girls, sina Zyruz Imperial, Manny Paksiw, plus surprise guests.

Si Blanktape ay nakagawa na ng limang albums. Kabilang sa hits niya ang Banana, Turuan Mo Ko Nyan, at Chika Lang ‘Yon na nanalo si Blanktape sa Star Awards for Music bilang Best Rap Artist and Best Rap album. Sa 24th Awit awards ay nanalo rin siya bilang Best Rap artist. Nagko-compose rin siya ng kanta sa ibang artists tulad nina Enrique Gil (Mobe), KZ Tandingan (Sayang), at ang child star na si Awra Briguela ang latest na nagawan ni Blanktape ng kanta na pinamagatang ASPIN (ASong PINoy).

Ayon kay Blanktape, masaya siya sa magandang feedback ng bago niyang kanta.

Saad niya, “So far po maganda ang feedback at ito ay playing na sa mga AM and FM radio stations like Love radio, Yes FM, MOR, StarFM, Barangay FM, Radyo Natin, Brigada FM, at iba pa, nationwide. Mabilis din ang pagtaas ng views nito sa YouTube at ito po ay under Brader Blanktape Music, kasama ko sa kanta ang girl group na Saucy Girls.”



Bakit mo naisipang gawin ang kantang iyan? Marami bang humihingi sa iyo ng load? “Naisip ko lang agad po na parang maganda at nakakatawa na ang dating sa title pa lang. Naisip ko iyong concept ng kanta ko matagal na po, pero now ko lang siya nabalikan at sa palagay ko, ito po ang right timing. Maraming humihingi sa akin pero hindi po ng load, kundi ng ganitong klaseng kanta dahil eto raw kasi ang forte ko.”

Sinabi rin ni Blanktape ang kanyang ultimate dream bilang composer. “Ang makagawa pa ng kanta na talagang kakantahin ng mga Filipino o ng buong mundo. Iyong tipo ng kanta na tulad ng Mga Kababayan Ko ni Francis M. or Anak ni Freddie Aguilar. Ultimate dreams ko rin po bilang songwriter ay maging katulad nina Lito Camo o Vehnee Saturno, ang makapagpasaya pa ng maraming tao. Kasi halos lahat ng songs nila, gusto ng mga Filipino at sa pamamagitan ng kanta nila ang daming tao ang napapasaya,” wika niya.

For reservations para sa single launching ni Blanktape sa Bar K.O. and for booking, pls. contact 0906-591-8690/0977-134-2343.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …