HINDI masasabing naging boyfriend siya ng mga bading, o ng mga matronang umaali-aligid sa kanya. Pero pumatol din siya, ayaw lang niya ng relasyon.
Ganyan pala ang trip ng baguhang matinee idol kahit na noong araw pang hindi pa siya nag-aartista. Pero ngayon kumakalat na ang mga tsismis dahil sa showbiz, kung sino-sino na rin naman ang pinatulan niya kahit na sandali pa lang siya rito.
(Ed de Leon)