Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ria Atayde, hahataw sa MMK at sa Wansapanataym

MAGKASUNOD na mapapanood this week si Ria Atayde sa MMK at sa Wansapanataym. Sa Sabado ang MMK at every Sunday naman sa Wansapanataym.

Kinuha namin ang reaction niya dahil tila nagiging suki siya sa Wansapanataym.

Tugon ni Ria, “Hindi naman po suki, bale pangalawa pa lang po. Pero as usual, grateful sa opportunity na naibigay sa akin. Na-miss ko rin po ‘yung Wansa team, super babait po kasi lahat.”

Ano ang role niya rito at sino-sino ang mga nasa cast? “Ako po rito si Reyna Maxima. Ako po ‘yung queen alien na nagpoprotekta sa mundo laban sa kasamaan at nagbigay ng superpowers. Mapapanood dito sina Awra Briguela, Ellen Adarna, Bianca Manalo, Carmi Martin, Roderick Paulate, Gee Canlas, Gerard Acao. Yun pa lang po ang nakikita ko.”

Sa MMK ay ikalawang labas na rin ni Ria, pero this time, si Ria ang letter sender.

Gagampanan ng magandang anak ni Ms. Sylvia Sanchez ang kuwento ng buhay ng Filipina-born Australian-based entrepreneur na si Hershey Hilado.

Ayon kay Ria, ibang challenge sa kanya ang episode na ito ng MMK. “Ibang challenge naman po ulit kasi, tough character si Hershey at may Fil-Aus accent! And she’s more morena and marami po siyang pinagdaanan na traumatizing experience, so maraming layers sa characterization,” saad ng aktres.

Paano mo pinaghandaan ang character na ginampanan mo rito? “Nanood po ako ng lahat ng videos ni Hershey sa YouTube. Finollow ko po siya sa IG. Super inobserbahan ko po siya para makita ‘yung nuances and mannerisms nya.

“Si Alyanna Angeles po is the young Hershey. Ryle Santiago, si Malick (kapatid). Then Aleck Bovick po ang nanay. With Simon Ibarra, Jordan Hwang, Denise Joaquin as the Ate of Hershey po and Celine Lim as the young version ng Ate,” saad ni Ria ukol sa casts ng MMK episode nila.

Sinabi rin niyang napasabak siya rito sa matinding drama. Kaya inusisa namin siya kung ano sa tingin niya ang magiging reaction ng mom and dad niya kapag napanood nila ang MMK sa Saturday?

“Hindi ko po alam pero so far, masaya po sila because first time po na ako ‘yung letter sender. Pangalawa na po ito for me (sa MMK), pero first po na ako ang letter sender, so nakakatuwa naman po. Super blessing po for me and ‘yung fact po na may naniniwala pala sa kakayahan ko po, nakatataba po ng puso at nakagagana lalo to learn more and improve myself.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …