Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Teleserye nina Nadine at James sa Dos, inaayos na

 

ISANG malaking kasinungalingan ang naglalabasang issue na tinanggal na ang young star na si Nadine Lustre sa ilang endorsements nito.

Tsika ng aming source, “Paanong tinanggal si Nadine eh kakapirma niya lang ulit sa kanyang endorsements.

“Like last July 13 nag-sign siya ulit for another year sa Sony at may apat pa siyang mga bagong endorsements.”

Hindi rin totoong tinanggal na ito sa It’s Showtime bilang host. ”Mali rin ‘yung balitang tinanggal siya sa ‘It’s Showtime’ dahil kung dati-rati ay semi-regular lang siya ngayon regular host si Nadine, ibig sabihin araw-araw na siya mapapanood.

“Bukod pa riyan ‘yung gagawin niyang pelikula at ‘yung pelikula nila ni James (Reid) at lalabas din ngayong taon ‘yung album niya, sariling pabango at sariling libro.

“Kaya hindi totoo na marami ang nawala sa kanya dahil sa lumabas na issue dahil mas dumami pa ‘yung proyekto niya.”

Dagdag pa ng aming reliable source na inaayos na rin ang susunod na teleseryeng gagawin ni Nadine at James sa Kapamilya Network.

 

MATABIL – John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …