Saturday , December 28 2024

Direk Jason Paul Laxamana, bilib kay McCoy de Leon at sa cast ng Instalado

BILIB si Direk Jason Paul Laxamana sa mga artista niya sa pelikulang Instalado tulad nina McCoy de Leon, Junjun Quintana, at Francis Magundayao. Ang naturang pelikula ay isa sa anim na entry sa 2nd ToFarm Film Festival na kagabi (July 16), ginanap ang awards night.

Paano mo ide-describe bilang actor sina McCoy at Francis?

Sagot ni Direk Jason Paul, “McCoy is humble, he knows he’s not there yet, kaya nakikinig iyan sincerely. Once you tell him what you want, he’ll give it. Give him more acting gigs in the future na mahahasa siya, and I can see that he can become the next big thing in acting.

“Francis, wala akong ma-sabi. Ang galing niya. Feeling ko kahit anong role, pati ‘yung mga mas komplikado, kaya ni-yang gawin.”

Nahirapan ka bang idirek si McCoy, since first movie niya ito? ”Hindi naman. Nakita ko may habits siyang nakuha from TV, so I made him aware sa difference between TV and film. Once naging aware na siya, okay na siya. Kaunting hasa pa at magi-ging mahusay siya for film.”

Dahil sinabi ni McCoy na hindi siya ang bida sa Instalado, ini-linaw namin kay Direk kung sino talaga ang bida rito?

Paliwanag niya, “Multi-cha-racter plot po talaga ang Insta-lado. Kung papanoorin, in fact, hindi lang silang tatlo ang sinusundan dito. Nandiyan din ‘yung character ni Barbara Miguel, ni Archie Adamos, at ng iba pang characters played by local actors from Pampanga at Tarlac.

“Pero mako-consider kong bida si McCoy, in the sense na ‘yung arc ng character niya ay isang underprivileged person na gustong kumawala sa sistemang hindi patas (installation reserved for the privileged) — iyon ang pinakagusto kong sundan na kuwento ng mga tao.”

Inusisa rin namin siya ukol sa iba pa niyang pelikula. “Nakapasok po sa Pista Ng Pelikulang Pilipino ang “100 Tula Para Kay Stella” under Viva Films, so magso-showing sa August. Marami pong nakapilang iba, both indie and mainstream, pero di ko muna babanggitin kasi baka mausog. Ang mga mukhang sure, ‘yung sequel po ng Mang Kepweng Returns, ako po ang tinap u-pang idirek. May gagawin din akong romcom sa Regal,” wika ni Direk Jason Paul.

Anyway, ang Instalado ay isang science fiction futuristic drama na ang setting ay sa isang farming village, ilang taon sa hinaharap. Ito ang panahon na ang dominant form ng edukasyon ay sa pamamagitan ng Installation, isang overnight process na ang talino ay ipinapasok o ikinakarga ng direkta sa utak ng mga tao

Ang ToFarm Filmfest ay pa-labas pa hangang July 18 sa SM Megamall, SM Manila, Greenbelt 1. Robinsons Galleria, and Gateway Cinemas.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Sunshine Cruz Atong Ang

Sunshine lalong bumata at sumeksi, maligaya kay Atong Ang

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio FRESHNESS overload. Iba talaga kapag in love. Ito ang nakita …

Sue Ramirez Dominic Roque

Dom at Sue exclusively dating

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ABA’Y date movie na rin lang ang usapan, sure na sure …

Miles Ocampo Elijah Canlas

Balikang Elijah at Miles posible, nahuling naghahalikan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AT dahil kumalat na naman sa socmed ang “kissing scene” ng …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *