Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pinay beauty ni Nadine, malakas makapanghalina

IPINAGTANGGOL ng Internet Heartthrob na si Klinton Start ang crush at idolong si Nadine Lustre ukol sa mga isyung kinasasangkutan nito sa ngayon.

Ayon kay Klinton, ”Feeling ko na mis-interpret lang ‘yung naging sagot ni Nadine sa issue about live in.

“Binigyan lang ng malisya ‘yung naging sagot niya.”

Kaya naman kung mapapasama ito sa isang teleserye o pelikula ay si Nadine ang gusto niya makasama. ”Siya kasi ang showbiz crush ko,”nangingiting pahayag ni Klinto na may halong kilig.

“Gustong-gusto ko kasi ‘yung Pinay Beauty niya bukod pa sa maganda siya at nagaling ding umarte.

“Katulad ko mahilig din siyang sumayaw at kumanta kaya sana makasama ko siya sa isang proyekto.

“Pero hindi naman ibig sabihin aagawin ko siya kay James Reid hindi naman ganoon kasi magka-loveteam sila. Gusto ko lang makatrabaho siya.”

Ngayon ay nag-a-undergo ng workshops si Klinton para na rin maging ready siya ‘pag may mga proyektong io-offer sa kanya.

Abala si Klinton sa mall tour ng PPops Group na magiging espesyal na panauhin ito sa mini-concert ng Infinity Boyz sa July 15, 4:00 p.m. sa Starmall Edsa/Shaw na hatid ng Ysa Skin and Body Experts, Mogu Mogu Manila, RMESSalon, at MyPhone.

MATABIL – John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …