Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tori Garcia, humahataw ang showbiz career!

 

LAST Thursday July 6, ang Singapore’s Sweetheart na si Tori Garcia ay naging guest sa programang Letters and Music ng Net 25. Sa panayam kay Tori, agad tinanong ng host na si DJ Apple kung sino ang gusto niyang makapareha sa movie o maka-colaborate na singer na lalaki?

Mabilis na sagot ni Tori, “I want my friend Iñigo Pascual! Because he has a good voice and a very cool person.”

Pabirong tanong ni DJ Apple, friends nga lang ba sila ni Iñigo or more than friends? “Yeah! We’re just friends, but he is so cute and nice naman to me,” esplika ng singer/aktres.

Sa ngayon ay sa showbiz career muna niya naka-focus si Tori at ayaw munang magkaroon ng lovelife. Maganda kasi ang pasok sa kanya ng taong 2017 dahil sunod-su-nod ang nagiging proyekto ng dalaga.

Katatapos lang niyang gawin ang pelikulang Kamandag ng Droga ni Direk Carlo J. Caparas. Siya ang leading lady dito ni Niño Muhlach. Tapos ay sinundan ito ng Cinemalaya entry para sa taong ito, ang Ang Guro Kong Di Marunong Magbasa ni Direk Perry Escaño. Ang naturang pelikula ay pinagbibidahan ni Rep. Alfred Vargas.

Ang isa pang movie ni Tori ay international film na Live in Manila. Sa ngayon, sinisimulan na ni Tori ang isang malaking advocacy film entitled DAD (Durugin Ang Droga) sa direksiyon ni Dinky Doo.

Samantala, ngayong dara-ting na July 16, Sunday, 8pm @ Music Box-Timog QC ay magkakaroon ng solo concert si Tori entitled It’s Raining Men! Tori Garcia… Pangunahing guest niya sina Mavi Lozano, Andrew Gan, Kiel Alo, toge-ther with Josh Yape, Adrian Gabriel, Eric Constantino at ang grupong Boys on the Avenue (BOTA). Produced by TJC Entertainment Productions & TEAM, sa direksiyon ni Throy Catan, Assistant Director-Leklek Tumalad. Ang Sponsors ay Throycath Travel and Tours Agency, Above Aeithetics, Fernando Bakes Shop, Mesa Restaurant, SVS & Associates, and I-Spy. For tickets reservations call /text 0915-8507388, 02-5031309.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …