Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nora Aunor, pipiliin na ang indie films na gagawin!

 

IPINAHAYAG ng Superstar na si Nora Aunor na mas gusto niya raw ngayon na gumawa ng mga pelikulang dekalidad gaya ng mga ginawa niya noon.

“Kung ako iyong tatanu-ngin, hangga’t maaari, ayaw ko nang gumawa ng pelikula… Gusto kong ibalik ‘yung mga pelikulang ginagawa ko noong araw. Tulad ng Tatlong Taong Walang Diyos, Bona, Himala…

“Ayaw ko nang gumawa ng mga halimbawa’y ten shooting days, kasi, unang-una, kapag hindi na-recognize ng ibang mga tao, e ang napapasama ay ‘yung artista, ‘di ba?

“Hindi sa ano pa mang bagay, hindi sa nagmamalaki… Malaking tulong at malaking tulong din sa mga direktor din naman natin na kailangang gumawa rin naman tayo ng mga pelikulang indie. Dahil sa kung halimbawa, ‘yung mga kabataan nating direktor, marami ring magaga-ling.

“Kaya depende na rin siguro ‘yan sa kuwento o mater-yal na dapat gaga-win ng isang artista,” saad ni Guy.

Nabanggit niya ito matapos usisain ng ilang press kung ano ang pananaw niya sa naganap na pagpili ng MMFF para sa taunang filmfest na tila mas binigyan ng prefe-rence ang malalaking pelikula, kompara sa indie.

Ngunit ayaw magkomento ukol dito ng Superstar.

Ngunit nanawagan si Guy ng pagkakaisa ng movie industry. ”Dapat lang, dapat lang. Sa industriya, dapat nagkakaisa lahat-lahat. Maging artista ka, direktor, o kung sinuman ‘yung ating mga judges sa ganitong mga festivals, dapat nagkakaisa talaga. At tingnan natin kung sino talaga ‘yung matinong pelikula. Hindi ‘yung palakasan, hindi ba?

“Parang… ‘Uy, kasi ganito… may isang kasama sa judges na pabor ‘yung ganito,’ sana hindi titingnan sa ganoong sitwas-yon. Kundi titingnan sa karapat-dapat na pelikula na dapat piliin para sa festivals,” diin ng aktres.

Dumalo ang award-winning actress sa nagdaang The Eddys Entertainment Editors’ Awards na ginanap sa Kia Theater. No-minado si Nora bilang Best Actress para sa pelikulang Tuos, ngunit ang nanalo ay si Vilma Santos para sa pagganap nito sa Everything About Her.

Nabanggit din niya ang kasalukuyang project na ginagawa. “Ang role ko rito ay isang tomboy at may anak akong bading. Hanggang doon na lang muna, pelikula ito at nag-shoot kami sa LGBT doon sa Marikina.”

So, mas mapapamahal ang Superstar sa LGBT community?

Nakangiting sagot ni Guy, “Ay siyempre, welcome… hindi ba? Ako yata ang nangunguna riyan, e. Joke lang!”

 

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …