Sunday , January 12 2025

Dr. Milagros How at Direk Maryo positibo ang pananaw sa 2nd ToFarm Filmfest

HAHATAW na ang 2nd ToFarm Film Festival at ito’y magsisimula sa July 12-18. Anim na pelikula ang kalahok dito na ipapalabas sa SM Megamall, SM Manila, Greenbelt 1. Robinsons Galleria, at Gateway Cinemas. Ang ToFarm ay pinamumunuan nina Dr. Milagros O. How ng Universal Harvester, Inc. at Direk Maryo J. delos Reyes na siyang Festival Director.

Ayon kay Dr. How, excited siya sa ikalawang ToFarm. “We are very excited to bring you the second edition of ToFarm, we’re just testing the waters last year. This year, we present to you another harvest of films on the life and aspirations of our farmers.”

Sinabi rin niya kung bakit nagpatuloy ang naturang filmfest. “Because maraming support sa ToFarm film festival, number 1 si Direk Maryo. Sobrang love ko siya, siya ang inspiration ko to continue to go on. And isa pa sa malaking reason na nag-push sa amin is because marami kaming winners sa unang film festival na nanalo sa international film festival.

“So, kung maraming nananalo, why hindi kami magpatuloy sa aming film festival? We believe na every year as we go on, darami nang darami ang aming films, makararating sa masa at ang main purpose namin ay maa-achieve namin,” aniya pa.

Sinabi ng premyadong director na hangad nilang madagdagan pa ang mga sinehan sa ToFarm. “Wish namin ay madagdagan ang mga sinehan, hihingi kami ng tulong sa mga sinehan kung puwedeng suportahan kami. We need the theaters, wala kaming outlet e. Sayang ang ganda ng mga pelikula kung hindi mapapanood ng mga tao.

“Sana ay matulungan kami ng theater owners na maipalabas ang mga ganitong pelikula sa ToFarm. Hihilingin din natin ang tulong ng FDCP, si Liza (Diño) naman ay very-very willing to help… very generous in her support.”

Ano sa palagay niya ang epekto sa showbiz industry ng ToFarm Filmfest?

Paliwanag ni Direk Maryo, “I’m thankful na natatanggap ng industriya at saka ‘yung malaking recognition agad ang ibinigay. Parang kumbaga sa ano, nakalinya agad siya and then ay natanggap siya. I’m very grateful for that, kasi, nakakatulong siya sa industriya… Iniisip ko ‘yung contribution na iyon e, kasi we have to help new producers also. Otherwise, the industry will die. Kasi hindi ba, parang walang nagtatanim e. On the side naman ng pelikula ha, sa entertainment, sa ating industriya.

“Kaya dapat ay magtulungan tayo, hindi ba? Parang, this is the time na kailangan natin ang tulong ng bawat isa para panatilihin ang industriya natin.

“Kailangan natin ‘yung marketing… kumabaga sa ano, to get a new audience also. Iyong mga nasa new media na audience, iyon ang pumunta dapat, lumabas sila mula riyan sa mga cellphone nila at saka manood ng sine. Kasi, iba rin ang medium ng pelikula, iba rin ang medium ng teknolohiyang ito.”

Kabilang sa anim na pelikula sa ToFarm ang Sinandomeng ni Byron Bryant, tampok sina Sue Prado, Lou Veloso, Lui Quiambao, Star Orjaliza, at Julio Diaz. Ang What Home Feels Like ni Joseph Abello, starring Bembol Roco, Biboy Ramirez, at Irma Adlawan. Kabilang din sa mga pelikulang ito ang Instalado ni Direk Jason Paul Laxamana na pinagbibidahan nina McCoy de Leon, Junjun Quintana, at Francis Magundayao.

Ang entry ni Topel Lee ay ang Baklad na tinatampukan nina Ronwaldo Martin, Elora Espana, at Rafa Siguion Reyna. Ang Tara Illenberger na pelikulang Hightide ay pinagbibidahan nina Arthur Solinap, Sunshine Teodoro, at Dalin Sarmiento. Ang Kamunggai naman ay mula sa pamamahala ni Direk Vic Acedillo at pinangungunahan nina Kent Raymond Basa, Roger Gonzales, Dulce, Skyzx Labastilla, at Bayang Barrios.

Opening film ng ToFarm na gaganapin sa Martes, July 11 ang Banaue starring Nora Aunor at Christopher de Leon. Ito ay pinamahalaan ng National Artist na si Gerry de Leon. Ayon kay Direk Maryo, darating sina Nora, Christopher, Ronaldo Valdez at ang Ilagan family na pamilya ni Gerry de Leon. Noong nakaraang taon, ang naging opening film ng ToFarm Filmfest ay isa pang classic Pinoy film na Biyaya Ng Lupa na tinampukan nina Rosa Rosal, Leroy Salvador, Tony Santos, at iba pa.

Bibigyan din ng tribute sa gabing iyon at tatanggap ng plaque of recognition ang ilang artistang mayroong farm tulad nina Lorna Tolentino, Christopher de Leon, Niño Muhlach, Isabel Rivas, Gary Estrada, Eagle Riggs, at Tirso Cruz III.

Ang awards night ng 2nd ToFarm Film Festival ay gaganapin sa July 16 sa EDSA Shangri-La Manila.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

 

About Nonie Nicasio

Check Also

Keempee de Leon Joey de Leon

Keempee at Joey nagkaiyakan, nagkapatawaran 

RATED Rni Rommel Gonzales MATAGAL nang hindi nag-uusap sina Keempee de Leon at ama Joey …

Kathryn Bernardo Mommy Min

Kathryn madamdamin mensahe sa ina

MATABILni John Fontanilla EMOSYONAL ang mensahe ni Kathryn Bernardo sa pagseselebra ng kaarawan ng kanyang …

Maris Racal Anthony Jennings

Maris, Anthony nagpakita na sa publiko

LUMANTAD na noong Martes, Enero 7 sina Maris Racal at Anthony Jennings sa isang fan …

Rufa Mae Quinto NBI

Rufa Mae sumuko sa NBI

DUMIRETSO agad sa National Bureau of Investigation (NBI) si Rufa Mae Quinto pagkarating ng Pilipinas …

Vic Sotto Darryl Yap

Vic Sotto idedemanda si Darryl Yap

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAKASUHAN daw ni Vic Sotto ang kontrobersiyal na direktor, si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *