Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

McCoy de Leon, sumabak sa una niyang movie via Instalado

UNANG pelikula ng sikat na teen actor na si McCoy de Leon ang Instalado na isa sa anim na entry sa ToFarm Film Festival 2017. Ang pelikula ay mula sa pamamahala ni Direk Jason Paul Laxamana at tinatampukan din nina Junjun Quintana at Francis Magundayao.

Ang pelikula ay isang science fiction-drama na ang setting  ay sa isang farm village ilang taon sa hinaharap. Si Victor (McCoy) ay namumuhay sa panahon na ang dominant form ng edukasyon ay sa pamama-gitan ng installation, isang overnight process na ang talino ay ipinapasok o ikinakarga nang direkta sa utak ng mga tao na gumagamit ng teknolohiya na pagmamay-ari ng korporasyon.

Ngunit hindi lahat ay kaya ito, dahil sobrang mahal  ma-ging Instalado, kabilang dito si Victor na naniniwalang ito ang mag-aahon sa kanya sa hirap bilang magsasaka. Upang makaipon para maging Instalado, iniwan ni Victor ang pagsasaka at nagpakatulong siya sa isang mayamang kababatang naging matagumpay mula nang maging Instalado.

Ano ang reaksiyon mo dahil bida ka agad sa first movie mo?

Sagot ni McCoy, “Hindi ko po masabi na bida, pero kasi maganda po ‘yung role, may co-actors po na kasabay ko na ganoon din ‘yung role.”

Anong naisip mo nang in-offer ito sa iyo? “Una pa lang po kasi, noong nalaman ko na indie film, umoo agad ako kahit hindi ko pa gaanong nababasa iyong script. Kasi iba ito e, ibang atake pagdating sa acting. Iba ang ibig sabihin, marami ang ibig sabihin, kaya nang nabasa ko ang script ay mas lalo akong na-inspired. Kasi sci-fi po.”

Masyado bang mabilis ang takbo ng career?

Esplika niya, “Hindi naman po, sa akin po marami pa po akong kakaining bigas talaga, marami pa akong dapat ma-experience pa at mapatunayan pa sa tao po.  Kaya eto, stepping stone ko lang po ito. Na dapat naman po talaga rin ganoon, kasi mahirap din po mabigla. Sa akin po, way pa lang ito para makuha ko ‘yung pangarap ko, kung ano man ‘yung gusto kong marating po, kaya bawat opportunity po ibinibigay ko talaga ‘yung best ko.”

Ano’ng masasabi mo kay Direk Jason? “Si direk Jason po ano e, sobrang relaxed lang siya. Cool lang siya, tapos pagka-start na po noong scene niya, sobrang ganda po talaga. Kasi may ibig sabihin talaga.”

Incidentally, bukod sa Instalado, ang lima pang entries para sa 2nd ToFarm Film Festival ay Kamunggai, Sinandomeng, What Home Feels Like, Baklad, at Hightide.

Ang ToFarm ay pinamumunuan nina Dr. Milagros O. How ng Universal Harvester, Inc., at Direk Maryo J. delos Reyes na siyang Festival Director. Ito ay magsisimula sa July 12 to 18 at ang award’s night nito ay gaganapin sa July 16.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …