Thursday , December 26 2024

Arjo, ipinagpaliban ang bakasyon sa US para sa The Eddys

KAPURI-PURI ang ginawang pagpapaliban ng bakasyon ni Arjo Atayde sa Amerika this week para bigyang-daan ang gagawing production number kasama si Yassi Pressman sa kauna-unahang Entertainment Editors Awards for Movies, o ang The Eddys sa Linggo, July 9 na gaganapin sa Kia Theater.

Napag-alaman namin mula sa ina nitong si Sylvia Sanchez na naka-schedule ang bakasyon ng magkapatid na Arjo at Ria sa America. Pero dahil nahingan ng production number ang actor kasama si Yassi at ang Legit Status, ipina-postponed ng actor ang lamyerda.

Samantala, star studded ang The Eddys na ang mag-amang Edu at Luis Manzano ang magho-host. First time sa career ng mag-ama ang magsama sa isang event.

Pangungunahan nina James Reid at Nadine Lustre ang pagbubukas ng gabi na susundan nina Ella Cruz at Julian Trono at pagkaraan ay sina Yassi at Arjo para sa kanilang musical numbers.

Isang must-see production number sa pangunguna nina singer-songwriter Ogie Alcasid, Concert King Martin Nievera, at hottest female artists na sina Angeline Quinto, Morisette Amon, Jona, at Klarisse ang isang tribute  kay OPM legend Willy Cruz .

Kasama sa roster ng celebrities na magpi-present sa iba’t ibang awards sina Empoy Marquez at Alessandra de Rossi, iba sa pelikulang Kita Kita; rising young stars AJ Muhlach at Phoebe Walker; ang mag-asawang Sarah Lahbati at Richard Gutierrez na kasalukuyang napapanood sa top rating ABS-CBN series na La Luna Sangre; Edward Barber at Maymay Entrata; JC Santos at Bela Padilla; popular love team Elmo Magalona at Janella Salvador ng Star Cinema’s teen horror Bloody Crayons; at prime time drama queens na sina Cristine Reyes at Jodi Sta. Maria at iba pa.

Gagawaran naman ng mga special awards tulad ng Joe Quirino award si Boy Abunda; Manny Pichel award si Lav Diaz; at Most Active Producer of the Year si Mother Lily Monteverde ng Regal Films.

Ang The Eddys ay mula sa panulat ni Nash Torres at ididirehe ni Arnel Natividad handog ng Viva Live.

Ang The Eddys ay proyekto ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd), isang non-stock, non-profit organization ng mga entertainment editor mula sa mga kilalang broadsheets at tabloids. Ang pagbibigay ng award ay paraan ng grupo para maka-encourage sa mga Filipino filmmaker, producer, writer, actor at iba pang allied artists sa Philippine movie industry na ituloy ang kanilang passion sa pagbuo o paggawa ng pelikula na nagpapakita ng mga nangyayari sa ating bansa.

Ang SPEEd ay pinamumunuan ni Isah V. Red ng The Manila Standard; at ang iba pang mga kagrupo ay sina Eugene Asis ng People’s Journal; Jojo Panaligan ng The Manila Bulletin; Ian Farinas ng People’s Tonight; Salve Asis ng Pilipino Star Ngayon/Pang Masa; Gie Trillana ng Malaya Business Insight; Dondon Sermino ng Abante; Tessa Mauricio-Arriola ng The Manila Times; Dindo Balares ng Balita; Dinah Ventura ng The Daily Tribune; Rito Asilo ng Philippine Daily Inquirer; Ervin Santiago ng Bandera; Jerry Olea ng Abante Tonight; Rohn Romulo ng People’s Balita, at ang inyong lingcod kasama ang advisor na si Nestor Cuartero ng Tempo.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *