NAKILALA na ni Liza Soberano ang pamilya ni Mars Ravelo sa katatapos na Toy Convention 2017. Doo’y binigyan ng espesyal na regalo ng pamilya ni Ravelo ang aktres.
“In behalf of the Ravelo family and Mars Ravelo, we would like to thank you for accepting the role of Darna,” ani Rex Ravelo sa interbyu ng abscbnnews.com.
Ibinigay kay Soberano ang original first four panels ng unang komiks ng Darna na nalimbag noong 1940s.
Bukod dito, na-excite rin si Soberano sa paglipad bilang Darna dahil nakita niya official merchandise ng Pinay superhero, gayundin ang statuette nito.
Nakilala rin niya ang ilang Hollywood stars na dumalo sa event told nina Charlie Bewley, isa sa ‘volturi’ ng Twilight Saga, Stefan Kapecic sa Deadpool, Karen Fukuhura sa Suicide Squad, at iba pa.
Tampok sa convention ang comic books at characters, gaya ng mga likha ng Pinoy graphic novelist na si Ravelo, ang nasa likod ng Darna.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio