Saturday , December 28 2024

Pagbabalik ng mga pelikulang kumikita sa MMFF, pambawi sa pagkalugi

IYONG desisyon ng mayorya sa Metro Manila Film Festival executive committee, na sinasabing siya namang dahilan kung bakit nag-resign ang tatlong miyembro niyon kabilang na ang writer na si Ricky Lee, ay isang desisyong pambawi lamang ng kahihiyan. Noong nakaraang taon kung kailan pinayagan nila na puro indie ang kasali sa festival, iyon din ang unang pagkakataon na pumalpak at naging flop iyang Metro Manila Film Festival

Sa loob ng nakaraang 32 taon ng festival na iyan, na ginawa sa kabuuan ng Metro Manila, noong nakaraang taon lang nasabing naghilahod sa takilya ang mga pelikulang kasali. Taon-taon lumalaki ang kita ng festival. Noong nakaraang taon lang nasilat.

Kaya iyang desisyon na ibalik ang mga pelikulang kumikita at talagang gusto ng masa, makatuwirang desisyon iyan dahil dapat naman sundin nila kung ano ang gusto ng mga manonood. Hindi mo puwedeng pilitin ang mga tao na manood ng pelikula dahil lamang sa walang ibang palabas. Alalahanin ninyo na may mga serye sa telebisyon na ang lumalabas ay mga sikat na artista, at karamihan mas maganda pa kaysa riyan sa mga maliliit na pelikulang ipinipilit nila, at iyon ay libre lang.

Sa bawat oras mayroon ka pang choice. Maaari kang mamili sa palabas sa ABS-CBN o GMA 7. Kung hindi, may mga pelikulang dayuhan pang itinagalog sa TV5. Mayroon pang basketball kung gusto ninyo. Bukod diyan mayroon pang video na mapapanood mo ang mga gusto mong pelikula nang hindi ka pa lalabas ng bahay, hindi ka makukunsumi sa traffic, at sa mas mababang halaga makakapanood na ang buo mong pamilya.

Kaya iyang festival, walang choice. It is either ibigay nila ang gusto ng publiko o magaya sila sa iba pang mga festivals na puro indie at lahat naman flop sa mga sinehan.

Iyang desisyon ng MMFF na kunin ulit ang pelikula nina Vic Sotto, Vice Ganda, Daniel Padilla, Coco Martin at iba pang box office stars, pambawi iyan sa kahihiyan nila dahil nag-flop na sila noong nakaraang taon. Iyang  MMFF lang ang festival na kumikita eh. Lahat iyong ibang festivals flop na. Hindi ang playdate ang dahilan kung bakit kumikita iyan. Nakuha nila iyang playdate na iyan noong nakaraang taon eh, flop pa rin sila. Dapat ibigay nila sa publiko kung anong pelikula ang gustong panoorin ng mga tao, hindi iyong pelikulang trip-trip lang nila.

HATAWAN – Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Sunshine Cruz Atong Ang

Sunshine lalong bumata at sumeksi, maligaya kay Atong Ang

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio FRESHNESS overload. Iba talaga kapag in love. Ito ang nakita …

Sue Ramirez Dominic Roque

Dom at Sue exclusively dating

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ABA’Y date movie na rin lang ang usapan, sure na sure …

Miles Ocampo Elijah Canlas

Balikang Elijah at Miles posible, nahuling naghahalikan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AT dahil kumalat na naman sa socmed ang “kissing scene” ng …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *