Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gerald Santos, well applauded sa unang pagsalang sa Miss Saigon

SOLD out ang unang pagpapalabas ng Miss Saigon sa Curve Theatre, Leicester, UK na tinampukan ng tatlong Pinoy na sina Red Concepcion (TheEngineer), Joren Bautista (Kim, alternate), at Gerald Santos (Thuy).

Ayon sa manager ni Gerald na si Rommel Ramilo, maganda ang first preview at marami ang nanood.

“He (Gerald) was personally greeted by (Cameron) Mackintosh sa after party nila! Sinabi nitong, ‘You’re first entrance is always great! But you’ve gained the authority of Thuy! And I think that’s fantastic!’” pagbabalita ni Ramilo.

Sinabi pa ni Doc Rommel na sa July 10 pa ang press night at doon pa maglalabasan ang reviews.

“But well applauded si Gerald during the curtain call. Sana magdire-diretso  ‘yung magandang performance n’ya,” masayang pagbabalita pa ng manager. “Sobrang nakakapagod daw sabi ni Gerald, ‘yung rehearsals at ‘yung mismong show, pero mas magiging magaan na sa mga susunod kasi mismong show na lang.”

Kaya naman humihingi ng patuloy na pagdarasal si doc Rommel para kay Gerald para patuloy na magampanan ni Gerald ang papel ni Thuy.

Napag-alaman pa naming araw-araw ang show nila. Eight performances a week at gagawin nila ito hanggang July 22 at saka naman lilipat ang mga ito sa Birmingham at pagkaraan ay sa Dublin, Ireland.

Congratulations kay Gerald at sa iba pang Pinoy na kasali sa Miss Saigon. Binabati rin namin ang manager ni Ge na si Doc Rommel dahil alam naming siya ang pinakamasaya sa magandang nangyayaring ito sa kanyang alaga.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …