Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Direk Perry Escaño, target ang MMFF para sa Ang Sikreto ng Piso

MUKHANG kaabang-abang ang Ang Sikreto ng Piso, isang family-oriented comedy at historical film. Inspired ng actual events hinggil sa smuggling ng Philippine peso coin noong 2006. Ito’y mula sa MPJ Entertainment Productions at JPP Entertainment.

Ang pelikula ay isang wholesome, charming, at interesting na istorya para sa pa-milyang Filipino na perfect sa Christmas season. Kaya naman ito’y intended for submission sa darating na 2017 Metro Manila Film Festival. Ang main plot ng naturang proyekto ay ukol sa pagmamahal sa pamil-ya at ang pagsuporta ng isa’t isa kapag dumarating ang mga pagsubok sa buhay.

Ang Sikreto Ng Piso ay isinulat at pamamahalaan ng stage, TV at film actor-turned-director na si Direk Perry Escaño, isa rin sa siyam na finalists sa main competition ng full-length films sa darating na 13th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival para sa kanyang obrang Ang Guro Kong Di Marunong Magbasa.

“We are hopeful to get a slot to this year’s MMFF with this comedy movie. It’s our gift for all Filipino families during Christmas season,” saad ni Direk Perry.

Ano ang laban ng movie, para maikonsidera o para makapasok sa MMFF? “Kasi hindi lang ito comedy, dito kasi, makikita ‘yung vina-va-lue natin ‘yung pagiging Pinoy, ‘yung family, na nandiyan tayo sa isa’t isa. Na dapat sana ay maraming matutuhan ang mga tao rito specially ‘yung family at ‘yung mga bata. Na si-guro ‘yung parents nila ay ma-encourage ang mga anak nila na mapanood iyong pelikula para matuto sila.

“So, isa siguro ‘yun sa laban namin, ‘yung message ng story at family values. At the same time, ang sikreto talaga ng piso is, hindi dapat maging greedy.”

Pahabol niya, “Sa script pa lang ay nakatatawa na, e. Pinag-isipan mabuti ang mga dialogue rito, hindi pilit at nakatatawa ta-laga. And ‘yung message talaga ng movie, iyon ‘yung importante rito, kaya sana ay i-consider ito ng MMFF.”

Tampok sa pelikula sina Alfred Vargas, Judy Ann Santos, McCoy de Leon & Elisse Joson, Wendell Ramos, Andoy Ranay, Ernie Garcia, Akihiro Blanco, Kelvin Miranda, Yuan Francisco, Dexter Doria, at Joyce Peñas Pilarsky. Ang mga magpapakuwelang komedyante naman dito ay pangungunahan nina Joey Marquez, Long Mejia, Beverly Salviejo, Paul Sy, Garry Lim, at Lou Veloso.

Sa launching ng pelikula ay nabanggit na under negotiation pa ang ibang casts nito, kabilang si Juday. Gaano kasigurado na ba si Juday para sa film?

Sagot ni Direk Perry, “Kasi noong nakausap ni Mell, naging interesado naman si Juday, ipinadala na agad ‘yung script sa kanya. Nang isinulat ko ang script, vini-visualize ko na nababagay talaga kay Juday.

“Bagay sa kanya ang role, kasi, kakaibang Juday ang gagawin niya rito. Nagtatrabaho siya sa money changer dito at magaling siya rito, mabilis si-yang mag-compute. So siguro, ito ‘yung magiging challenge kay Juday at dito ay magsusuot siya ng iba’t ibang klase ng damit na very elegant.

“Actually, may negotiation ngayon kay Juday, e. So, hopeful kami na sana ay tanggapin. Pero ipinararating ko kay Ms. Judy Ann na siya talaga, siya talaga ang first choice namin dito.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …