Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alden, makatatakas na kay Maine

SA aminin man o hindi nina Alden Richards at Maine Mendoza ay pumapakla na sa panlasa ang maugong na tsismis na nag-uugnay kina Yaya Dub kay Sef Cadayona.

Kung “da who?” ang arrive ng pangalang nali-link ngayon kay Maine, siya ‘yung bumibida sa isang ice cream TVC na may maraming versions. Produkto siya ngStarstruck ng GMA.

Sa parte kasi ni Sef ay bina-bash siya nang todo-todo ng mga AlDub fans, bagay na unfair naman sa aktor. Si Sef kasi ang nagwawasak sa phenomenal loveteam.

Pero kung totoo ang Sef-Maine real-life romance, good for Maine. Mahirap nga namang papaniwalain ang publiko na mayroong namamagitan sa kanila ni Alden gayong wala naman.

Mahirap linlangin ang kanilang mga tagahanga na siyang may gusto lang sa AlDub romance, pero iba pala ang itinitibok ng puso ng isa sa kanila. Or perhaps both of them.

Sa isang banda, makabubuti na rin ito sa AlDub as a loveteam. Eventually nama’y mabubuwag ito only for its management company to experiment on potential partnerships na kakagatin din ng publiko.

As for Alden, at least ay makakatakas na siya mula sa isang loveteam na pilit lang isinubo sa kanya ramming down his throat gayong ang totoo naman pala’y naroon din ang nagsusumigaw niyang damdaming makatagpo ng tamang babaeng mamahalin.

Definitely, hindi ‘yon si Maine.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …