Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rudy Fariñas “persona non grata” sa Ilocos Norte

INAPROBAHAN ng Ilocos Norte Provincial Board o Sangguniang Panlalawigan kahapon, ang Resolution No. 2017-06081, nagdedeklara kay 1st District Rep. Rodolfo “Rudy” C. Fariñas bilang “persona non grata.”

Ang resolusyon ay i-nisponsoran nina SP Member and Lawyer Vicentito “Toto” M. Lazo at Vice Governor Angelo Marcos Barba.

Technically, ang ibig sabihin ng legal term “persona non grata” ay “unwelcome person,” ipinahihiwatig na ang nasabing inbiduwal (idineklara bilang persona non grata) ay pinagbabawalan ng gobyerno na makapasok sa hurisdiksiyon nito makaraan labagin ang mga ordinansa at batas.

Gayonman, inilinaw ni kapwa SP Member and Lawyer Da Vinci M. Crisostomo, ang mosyon na “persona non grata” sa kongresista ay hindi nagbabawal sa mambabatas na pumasok sa lalawigan, kundi ito ay para maiparamdam ang kanilang sentimyento kay Fariñas.

“Well, this is in the form of a resolution, and under the parliamentary rules, it is a manifestation or expression of our feelings towards the subject person. So, ang gustong palabasin ng SP, whose members were directly elected by the people of the Province of Ilocos Norte and representing our constituents, ay ‘yung mga damdamin at saloobin ng buong probinsiya,” dagdag niya.

Nauna rito, nagsulong si Fariñas ng congressional inquiry hinggil sa sinasabing maling paggamit ng Ilocos Norte ng tobacco funds sa ilalim ng Republic Act (RA) 7171, at ini-contempt ang anim empleyado ng Provincial Government ng Ilocos Norte.

Tinaguriang “Ilocos Six,” ang anim empleyado ay patuloy na nakapiit sa kustodiya ng Kamara, makaraan ang huling pagdinig noong 29 Mayo.

Ang interogasyon sa anim at ang patuloy na pagpiit sa kanila ay itinuring na mental and psychological torture ng kanilang legal counsels.

Higit pa rito, sinuway ng  House Committee on Good Government and Public Accountability at ng Sergeant-at-Arms, ang utos ng Court of Appeals (CA) na palayain pansamantala ang anim, gayondin ay inakusahan ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang tatlong CA justices ng “gross ignorance of the law.”

Sinuportahan ng Supreme Court (SC) ang desisyon ng CA, nanawagan sa Kamara na irekonsidera ang show cause order na inisyu laban sa mga mahistrado na nag-isyu ng release order sa “Ilocos Six.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Earl Jonathan at Anne Krystel naging ‘Anghel’ ni Sylvia 

ni Allan Sancon ISA sa mga pinakatumatak na pelikulang kasali sa 51st Metro Manila Film Festival ngayong …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …