Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Eddie Alzaga, dating OFW na sumabak sa indie films

MARAMI ngayong pinagkakaabalahan ang indie actor na si Eddie Alzaga. Dati siyang nagtrabahong OFW sa Dubai bilang waiter, mula rito’y sumabak sa pag-arte para matupad ang childhood dream na maging artista. Ngayon ay nakahiligan na niya talaga ang propesyong ito at nagtuloy-tuloy na siya bilang indie actor.

Nagsimula siyang mapanood sa pelikulang Mangkukulob at Time in a Bottle, na parehong idinirek ni Ron Sapinoso at Mga Pangarap sa Kapirasong Papel ni Direk Ronald Rafer.

Kasalukuyang ginagawa ni Eddie ang indie movie na Lana at nagkuwento siya ukol sa proyektong ito. “Ito ay kuwento ng isang dalagang si Corazon at ng kanyang ina na si Simang. Gagawin ni Simang ang lahat para sa kanyang anak na si Corazon. Ang direktor po ng Lana ay si Direk Marvin Gabas, ang cast po ay sina Amaya Vibal, AJ Santos, Terry Gayapa at iba pa. Ito po ay drama na may pagka-horror,” pahayag ni Eddie.

Sinong artista ang gusto mong makatrabaho talaga?

Saad niya, “Ang gusto ko po talagang makatrabaho ay si Mon Confiado, kasi ay napakabait niya at napakagaling talaga. Kapag may mga kontrabida role ako, sa kanya ako humihingi ng advice at tips kung paano ko magagampanan nang mabuti iyong role ko.

“Ang iba ko pang idol na artista ay sina Christopher de Leon at John Regala. Kung may chance po, tulad ni Mon, gusto ko rin sana silang makatrabaho, Kasi po, iyong tatlong actor na iyan, sobrang gagaling talaga at dapat idolohin,” nakangiting saad ni Eddie.

Dagdag niya, “Nagpapasalamat ako sa lahat po ng nagtitiwala sa akin, ‘yung mga kaibigan ko, mga katrabaho ko sa indie films, pati sa aming producer na nasa Las Vegas, Nevada na si Tito Zaldy Agbayani na gumastos para sa indie movie namin na Mangkukulob.”

Sa ngayon, maraming pangarap si Eddie bilang actor na pagpupursigehan daw niya para matupad. Samantala, tuloy-tuloy lang daw siya sa passion niya sa pelikula, hanggang dumating ang break na kanyang pinakahihintay.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …