Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sofia Sibug, nangangabog sa Miss Manila 2017

LUTANG na lutang si Candidate No 7 Sofia Sibug sa press presentation ng Miss Manila 2017 na ginawa kamakailan sa Manila Hotel na pinangunahan nina Manila Mayor Joseph Estrada, Viva Boss Vic del Rosario, at MARE Foundation Chairman Jackie Ejercito.

Pinaghalong Angel Locsin at Margie Moran kasi ang beauty ni Sofia na sa edad 22 at taas na 5’7″, hindi malayong tanghalin siyang Miss Manila 2017.

Hotel Administration student sa Enderun Colleges si Sofia kaya naman pala maganda ang naging sagot niya nang tanungin sa Q & A. Kumbaga may wit sumagot. Sabi nga ng iba, kabugera ang flawless beauty.

Sa tindig, ganda, at talino, puwede na sa national pageant tulad ng Miss World Philippines at Binibining Pilipinas si Sibug na talent din pala ng Star Magic na ang screen name ay Sofia Romero.

Anyway, gaganapin ang coronation night ng Miss Manila 2017 sa  Araw ng Maynila, June 24, 7:00 p.m. sa PICC at ipapalabas sa Sunday’s Best ng ABS-CBN.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …