Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ryza sa paglipat sa VAA: Gusto kong maging aktres, hindi sexy star

“GUSTO ko munang lumayo sa comfort zone ko. Gusto kong mag-try ng iba naman. Para maka-try ako ng iba’t ibang klase ng trabaho,” ito ang iginiit ni Ryza Cenon ukol sa ginawang pag-alis sa GMA Artistst Center at paglipat sa bakuran ng Viva Artists Agency.

Ani Ryza, kaba at saya ang naramdaman niya nang pumirma ng kontrata sa VAA.

Iginiit din niyang sariling desisyon niya ang paglipat at hindi totoong may kinalaman ang kanyang boyfriend na si Cholo Barretto na VAA talent din.

Ani Ryza, kung posible nga ay ayaw ni Cholo na pareho sila ng management subalit wala naman nang magagawa ang binata sa naging desisyon niya.

Sa kuwento ni Ryza, ang Viva ang lumapit sa kanya at nag-offer na hawakan ang kanyang career. “May contract po ako sa GMA Artists Center pero sa network, wala po talaga. Mga four years ako na walang network contract,” anang dalaga.

Tiniyak din ni Ryza na hindi na siya magpapa-sexy at hindi na mauulit ang ginawa niya sa Ang Manananggal sa Unit-23B

“First and last na ‘yon. Sinabi ko sa Viva na marami pa akong kayang gawin, hindi lang maghubad.

“Gusto ko po na maging aktres, hindi sexy star. Gusto kong maging character actress.”

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …