Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maine Mendoza, Forever Young

HANGGANG ngayon ay tinatanong pa rin ng Phenomenal Star na si Maine Mendoza kung bakit tinatamasa niya sa kasalukuyan ang mga suwerteng dumarating sa kanyang buhay.

Dalawang taon pa lang ay sobra-sobrang blessing na ang dumating sa kanyang unexpected showbiz career, ”Sobrang bilis talaga ng mga nangyari sa amin ni Alden (Richards). Lalo na po sa akin. Two years pa nga lang ako, ganito na, sunod-sunod.”

Bukod sa pagiging phenomenal star at isa sa most followed TV personality sa social media, patuloy pa rin siyang tinatawag na one of the most trusted product endorsers sa bansa, “Parang hindi ko pa rin maisip kung ano ba ang mayroon. Bakit? Parang isang question sa akin ‘yun na hindi ko po masasagot.”

Pagpapatuloy pa ni Maine, ”Siguro po, dahil na rin ito sa mga sumusuporta sa amin ni Alden na very supportive sa mga ine-endorse namin. Kapag nakikita na may bago akong endorsements, talagang sinusuportahan nila.”

Alam din ni Maine na hindi pang-forever ang showbiz, ”Kasi po, hindi ko naman pinangarap na mapunta sa ganitong posisyon. Kasi, akala po siguro ng iba, madali siya, very relaxed. Akala po siguro nila, puro glitz and glamour, walang paghihirap sa ganitong buhay. Siyempre, mayroon din pong downside ang pagiging artista.”

Mismong loyal fans ni Maine at kanyang mga kaibigan ang nagpapatunay na never yumabang si Maine sa kabila ng kanyang tagumpay. Sey nga ng dalaga, “Siguro ito ‘yung isang bagay na hindi ka dapat malunod. Kasi, pana-panahon lang din naman po ‘yan. Ang sa akin na lang, habang nasa ‘yo, enjoy mo.”

At bilang patunay na malakas pa rin ang hatak ng dalaga sa mga Pinoy, halos lahat ng kanyang endorsements ay nananatiling tiwala sa kanyang karisma, kabilang na nga riyan ang CDO Funtastyk Young Pork Tocino na sinasabing top-selling and most loved tocino ngayon sa bansa.

“Nakatutuwa po kasi patuloy pa rin silang nagtitiwala sa akin. First year ko pa lang sa showbiz, nakuha na nila ko. Hanggang ngayon. Isa ito sa mga unang endorsements ko at nagtiwala sa akin,” ani Maine.

Pinag-uusapan ngayon ang bagong ad campaign ni Maine para sa CDO Funtastyk Young Tocino, na ibinabandera na natagpuan na niya ang kanyang “forever”. Inakala kasi ng maraming AlDub fans na si Alden na ang tinutukoy ng dalaga sa teaser ng campaign.

”Very unique ang concept. Parang ilo-launch nila na very mysterious sa tao. Kung ano nga ba ‘to, anong klaseng beauty product na bandang huli, malalaman nila na tocino pala,” chika pa ni Maine.

Samantala, naniniwala pa rin ang fans nina Maine at Alden na may forever din sa AlDub. They still believe na sina Maine at Alden ang itinadhana at walang puwedeng sumira sa relasyon ng dalawa.

Matindi pa rin ang ginagawa nilang pagdarasal para sina Maine at Alden pa rin ang magkatuluyan sa huli. Sa katunayan, kilig na kilig ang AlDub fans sa naging mensahe ng tatay ng dalawang Dabarkads para sa kanilang mga anak.

Base kasi sa mga message ni Tatay Dub at Daddy Bae last Saturday sa Father’s Day special ng Eat Bulaga, mukhang pati sila ay umaasa na mauuwi rin sa kasalan ang relasyon ng AlDub.

Sey nga ng isang netizen, “Feel na feel nina Daddy Bae at Tatay Dub ang pagiging magkakapamilya. I know botong-boto sila sa pagpapakasal ng AlDub sa tunay na buhay.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …