NITONG nakaraang linggo imbes mag-alala sa kalagayan ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte dahil sa matinding labanan sa Marawi City laban sa terorismo, biglang pumutok ang isyu na nagkasakit umano ang pangulo.
Hindi natin alam kung saan nanggaling ang mga ‘tsismisan’ na comatose umano ang Pangulo.
Pero, kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Kaninong grupo ba manggagaling ‘yan? Kaya nang biglang lumutang, sinabi ng Pangulo na nasa kama siya hindi coma.
Sonabagan!
Hindi ba puwedeng mapagod ang isang presidente? Hindi ba siya puwedeng magpahinga kahit saglit?

E parang may isang grupo riyan na excited na excited at nananalangin na maglaho na si Digong?
Kung may ganyang klase ng grupo sa ating lipunan na imbes makipagtulungan upang maresolba ang nagaganap na krisis sa Mindanao e sila pa ang unang naggagatong sa publiko, masisi pa ba natin ang Pangulo kung palawigin niya ang martial law?
Ano ba ang iisipin natin sa ganitong klase ng mga tao?
Nagkaroon na ng pagkakataon na patunayan ang sarili nila pero hindi nila nagawa, tapos ngayong may mga taong nagtatatrabaho wala silang ginawa kundi mag-sourgraping?
Sa ganang atin, ‘yang mga pagmamarkulyo ng grupong gustong mategas si ‘Digong’ ay bunga ng kawalan ng kakayahang mamuno.
Kaya inggit na inggit sa kasalukuyang namumuno. ‘Yun lang!
PATAAS TARA Y TANGGA
SA TONDO! (ATTN: MPD DD
GEN. JOEL CORONEL)

HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com