TOKYO/WASHINGTON – Pitong American sailor ang nawawala habang tatlo ang sugatan makaraan bumangga ang isang US Navy destroyer sa Philippine-flagged merchant vessel sa timog bahagi ng Tokyo Bay sa Japan, nitong Sabado, ayon sa US Navy.
Ayon sa Japanese Coast Guard, ang US ship ay pinasok ng tubig ngunit walang panganib na lumubog, habang ang merchant vessel ay nagawang makapaglayag makaraan ang insidente.
Sinabi ng US Navy, ang USS Fitzgerald ay bumangga sa merchant vessel dakong 2:30 a.m. local time (1730 GMT), 56 nautical miles southwest ng Yokosuka, na bihirang mangyari sa busy waterway.
Ang tatlong sugatan mula sa destroyer ay agad inilikas, kabilang ang commanding officer na si Cmdr. Bryce Benson, sinasabing nasa stable condition makaraan ilipad patungo sa US Navy Hospital Yokosuka, ayon sa Navy.
Habang ang dalawa pang sugatan ay dinala sa ospital bunsod ng mga hiwa at gasgas sa katawan.
Kasalukuyang hinahanap ng Fitzgerald at Japanese Coast Guard ang pitong nawawalang sailors.
“The USS Fitzgerald suffered damage on her starboard side above and below the waterline,” ayon sa Navy.