Saturday , November 16 2024

Kalagayan ng Pangulo dapat mabatid ng publiko — Pangilinan

IGINIIT ng lider ng opposition party, dapat magkaroon ng “transparency” sa Malacañang makaraan hindi magpakita si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko nang halos isang linggo, nagresulta sa mga tanong at pangamba hinggil sa kalagayan ng kanyang kalusugan.

Sinabi ni Sen. Francis Pangilinan, pangulo ng Liberal Party, dapat ihayag ng Palasyo ang katotohanan kung may karamdaman ang punong ehekutibo.

“While I accept the explanation of Malacañang that he was tired and needed rest, the four-day absence was a concern considering the current situation,” pahayag ni Pangilinan, tinutukoy ang hinggil sa nagaganap na krisis sa Marawi City.

“Having said that, if the President has a medical condition preventing him from fulfilling his duties as commander-in-chief and is not simply ‘just resting’ then the public deserves to know the truth,” aniya.

Nagpalabas ang Malacañang nitong Huwebes ng mga retrato ni Pangulong Duterte habang nagtatrabaho sa kanyang official residence sa Maynila, sa gitna ng espekulasyon hinggil sa kanyang kalusugan bunsod nang hindi pagdalo sa public events.

Kasunod nito, nagpalabas ang Malacañang ng mga retrato ni Duterte habang binibisita ang Villamor Air Base, at makikita ang Pangulo habang nakikipagkamay at sinasaluduhan ang Air Force officials.

Pagkaraan ay lumipad si Duterte patungong Davao City.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *